Chapter 32

3.2K 73 0
                                    

Masayang natapos ang party ni Keagan kagabi. Although, kami-kami lang yung mga bisita niya, pero masaya naman. Sinundo ko din pala yung mga kapatid ni Abby para may kalaro si Keagan sa birthday niya. At pinapunta ko na din si Jick, para may kasama si Dana umuwi. Kahit na pinagtalunan pa namin ni Prince ang pagpunta nila. Wala naman siyang magagawa dahil gusto ko din sumaya ang anak niya. At iniisip ko rin naman ang kapakanan ng lahat... Wala namang may nangyaring masama kahit na nagpaparamdam sila at gusto ko na nilang gumawa ng gulo. Pero sure ako na hindi naman makakapasok ang mga yun. Ang higpit ng mga security ni Prince e. Lalo na at nandyan din sa paligid ang mga kaibigan ko.

Ngayong araw na din ang pagbabalik ni Abby sa school.. kaya magkasabay na kaming pumasok na dalawa. Kailangan ko rin siyang ihatid sa room nila to make sure na maayos ang lagay niya doon. At sa tingin ko, maging maayos naman.. pinabantayan ko e.

" Napatawag ka? " tanong ko ng masagot ko yung phone na kanina pa tumutunog.

" I want to inform you na napahiganti na namin ang pamilya ni Abby. "

" Good to hear that. "

" Pero Reign.. " hindi na ako nagsalita at hinintay nalang ang susunod niyang sasabihin. " Maging alerto ka. Dahil may nalagap akong inpormasyon dudukutin ka nila para pagbayarin sa ginawa mo sa   mga tauhan at lalo na sa Boss nila... At gusto din nilang ikaw ang magiging kapalit sa pagbili nila kay Abby. "

F*ck that asshole! Hindi lahat ng babae binibili. At hindi lahat ng babae bayaran.

" Dont worry about me. And please inform them na.. magpapadukot ako. " nakangisi kung sabi.

Bago ko pa marinig ang malakas niyang sigaw, ibinaba ko na yung phone ko at tinapos ko na ang pag-uusap namin. Sakit pa naman sa tenga kung sumigaw ang lalakeng yun.

Papunta ako ngayon sa room ni Abby dahil  breaktime naman, kaya yayain ko siyang magmerienda sa may canteen. Pero napahinto ako ng makita ko siyang palabas ng teachers office kasama si Dana. At kita ko yung lungkot sa mga mata niya, kaya agaw akong lumapit sa kanila.

" Abby.. Dana. Okay lang kayo? " tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

Nagkatinginan naman yung dalawa at pansin ko yung pag-uusap nila gamit ang mata.. na huwag sabihin sa akin ang nangyari. Pero hindi sumunod ai Dana sa kanya.

" Kasi Reign, yung pinaghirapang damit na tinahi ni Abby para sa project.. sinira. "

" A-ano?! Paanong nasira yun? Akala ko ba naibigay muna sa prof. niyo Abby. " hindi makapaniwalang sabi ko.

" Yun na nga e. Naipasa ko naman na maayos at sigurado akong walang sira yun. Pero pinatawag ako ni prof at ganito na nga yung nangyari... Sirang-sira yung damit na pinasa ko. At sigurado akong sinadya yun. " sabi nito at unti-unti ng namamasa ang mga mata niya. " Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon Reign. " at nagsimula na po siyang umiyak.

" Huwag ka ngang umiyak. May paraan pa naman diba Reign? " sabi ni Dana na ikitanaas ng kilay ko.

Paraan? Anong klaseng paraan naman yun. Kinumbinse ko na nga yung prof. niya para lang makapasa siya sa subject na yun. Tapos ano ito. May sumabotahe sa gawa niya?

" Kaya naman pala ang baho dito. Nagkalat ang mga basura. " napatingin naman kami sa kakarating lang na si Greta.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon