* Reign POV *
Dinala ako ni Prince sa mismong hideout nila para doon mismong magtago. Doon daw muna ako habang inaayos nila ang gulo... Pero kilala niyo naman ako.. hindi ako yung tipo ng taong mananatili lang sa isang lugar. At paano nalang yung taong mahalaga sa akin kung magtatago ako diba?
Kanina, sobrang nag-alala talaga ako sa dalawang yun, mabuti nalang dumating sina Jick at Prince para tulongan kami.
Napatingin ako kay Prince ng hawakan niya yung kamay ko.
" Huwag kang mag-alala.. nandito lang ako para protektahan ka. " seryusong nitong sabi.
Ngumiti lang ako dito at muling ibinalik ang tingin sa labas ng sasakyan... Hindi niya naman kailangan gawin yun e.. dahil hindi ko kailangan ng proteksyon! Kaya ko ang sarili ko.. nag-alala lang ako para sa mga taong malalapit sa akin.
Nakarating na kami sa mismong hideout nila. Kumain muna kami saka niya ako hinatid sa kwarto niya para daw makapagpahinga ako. At saka siya umalis para alamin ang nangyayari kung bakit ako ang hinahunting ng mga tauhan ng kalaban niyang organisasyon.. at para naring kamustahin ang lagay ng anak niya.
Sa ginagawa niya, nakaramdam lang ako ng konsensya. Kasi naman, hindi niya naman kailangan gawin yun e. Dahil alam ko kung bakit nila ako hinahabol. Dahil sa ginawa ko sa Boss nila.. at alam kung mga ilang oras lang, malalaman din nila ito. Kaya matutulog muna ako para makapagpahinga ako at may malakas ako sa mangyayari.
* Eugene POV *
Kakatapos lang naming patalsikin ang mga tauhan ni Chiu, pero alam naming anytime babalik ang mga ito at magdadala ng maraming tauhan. At nalaman ko din ang totoo kung bakit hinahunting ni Chiu si Reign. At hindi ko alam kung maniniwala dito si Primce.. dahil kahit ako hindi makapaniwala sa nalaman ko.
Doon kami sa bahay niya dumeritso, dahil kailangan niya ring bantayan ang anak niya. At ayaw niya munang abalahin si Reign na kung saan nasa hideout namin para magpahinga... Kakarating ko lang at mukhang nandito na rin si Brent at ang iba pa. Dahil nakikita ko yung mga sasakyan na ginamit nila.
" Your here.. how is it? " tanong ni Brent ng pagpasok ko sa loob.
" Same as you Brent. Muntikan naring makuha ang ibang bayan. " sabi ko at umupo sa may couch.
" Mukhang pinapahirapan talaga tayo ng Chiu na yun ha. Wala pa bang balita sa mga Carter, Prince? "
Napatingin ako kay Prince na pababa ng hagdan at mukhang kagagaling lang ito sa kwaryo ng anak niya.
" Tutulong sila kapat natapos na ang mga misyon ng iba nilang tauhan. " sabi nito at umupo din sa couch na nasa harapan namin. " Nalaman mo ba ang dahilan kung bakit hinahabol nila ngayon si Reign? " seryuso nitong tanong sa akin.
* Reign POV *
Kanina pa ako nagising.. nakaligo at nakabihis narin ako ng damit na dala ko. Pagkatapos non, habang hinihintay ko si Prince, nag-ikot-ikot muna ako dito sa hideout nila. At marami akong natuklasan na hindi dapat malama ng isang taong hindi taga rito... Sabihin na nating, hindi sila magaling magtago ng mga bagay na maaring magamit nila. At kapag malaman ito ng kalaban nila.. maaaring tapos na sila. Isa pa, hindi magaling magbantay yung mga tauhan nila dito. Hindi man lang ako nahuli na pumapasok sa mga pribadong lugar nila dito.
Pagkatapos kung mag-ikot-ikoy sa buong lugar ng hideout nila.. nagpaturo ako sa mga tauhan nila na ilang mga martial arts. Kaya nandito ako ngayong sa training room nila. Nakikipaglaban sa mga tauhan niya.
" Akala ko na kunti lang ang alam mo Ms. " Men 1.
" Mas magaling ka panga sa amin sa martial arts Mr. " Men 2.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
AksiyonShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.