* Reign POV *
Napahilamos ako sa mukha at malakas na buntong hininga ang pinakawalan pagkagising ko palang. Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school dahil sa pesteng likod ko. Idagdag mo pang nawalan ako ng trabaho! Nasaktan ka na nga.. nawalan ka pa ng trabaho. Bwesit!
Mga bwesit kasi yung mga tarantadong yun, mga wrong timing dumating.. pwede naman silang sumugod sa ibang araw. Bakit yun pang araw na kami lang dalawa ni Keagan ? Idagdag mo pang bwesit na ama niya na kung makatapon akala mo hindi tao yung itinapon niya. Nakaabsent tuloy ako dahil sa ginawa niya.
Bumangon na ako saka dumeritso sa may banyo at naligo. In the past two days kasi wala akong ibang ginawa kundi humiga lang. Minamasahe din ni Mama ang likod ko kaya madali lang akong gumaling... Nagbihis at nag-ayos na ako matapos kung maligo saka lumabas na ng kwarto at dumeritso sa may kusina.
" Gising kana pala. Kamusta ang likod mo hindi na ba masakit? " tanong sa akin ni Mama pagkakita niya sa akin.
" Okay na po ako.. ang galing niyo po kasing mag-alaga, Mama. " nakangiting sabi ko sa kanya na ikinailing niya nalang.
Umupo na ako sa hapag kainan at kinain yung iniluto ni Mama. Sobrang ganado kung kumain ngayon dahil ang niluto ni Mama ay toyo at itlog.. idagdag mo pa yung sinangag na kanin. Kaya naparami yung kain ko. Kaya busog na busog akong umalis ng bahay... Pero bago akong pumasok sa school dadaan muna ako kina Abby para sabay na kaming pumasok.
" Ate Reign. " masayang salubong sa akin ng kapatid niya pagkakita niya sa akin.
" Ang ate mo nasaan? "
" Nasa loob po nagpapaganda. "
Napatawa naman ako sa sinabi niya saka sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila. At pagkapasok namin sa loob, doon ko nakita ang ate niya na nakaharap sa salaminbat todo paganda.
" Baka mabasag yang salamin, Abby. " nakangising sabi ko dito.
Nagulat naman ito at napatingin sa akin saka patakbong lumapit at niyakap ako.
" Mabuti naman at okay kana. Alam mo banh sobrang lungkot ko ng hindi kita kasabay pumasok. "
" Kaya nga nandito ako para sunduin ka diba? "
" Tsk! Ano ba kasing nangyari sayo at nagkaganun ka? "
" Its a long story kaya huwag munang alamin. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngayon lang din kami nagkita ni Abby sa loob ng two days. Kaya sobrang namiss ko din ang bestfriend ko. Hindi kasi ako pumayag na dalawin niya ako, dahil alam niyo na baka mas lalong lala ang sakit sa likuran ko. Ang ingay pa naman din ng babaeng yun. Kaya si nanay lang ang nagsabi sa kanya kung ano ang nangyari sa akin.
Pagkatapos ng limang minutong pag-aayos niya na kulang na ay idikit niya yung mukha niya sa salamin para makaalis lang kami. Nakakapagtaka nga kung bakit ganito nalang ang kilos niya ngayon. At dahil nga dalawang araw akong hindi nakapasok, hindi ko alam kung sino ang pinagagandahan nito!
Naghiwalay lang kaming dalawa ng makarating kami sa school, dahil magkaiba naman kami ng course na kinuha no. Habang naglalakad ako sa may hallway, talaga namang hindi mawawala yung tingin sa akin ng mga estudyante. At hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa ko sa kanila. Yung tingin kasi nila e, parang pinapatay ka. At hanggang sa classroom ay ganun din, kaya hindi ko maiwasang isipin king ano ang sitwasyon ngayon ni Abby.
" Akala ko ba expelled na yan, bakit nandito parin siya? "
" Yun nga ang akala ng lahat e. Dalawang araw ba naman hindi pumasok. "
" Baka nagmakaawa kay Dean kaya pinabalik. "
Ako ba ang tinutukoy nila? Ako expelled? At sino namang nagsabi mg bagay na yun. Nawala lang ako ng dalawang araw, kung ano-anong chismiss na ang kumalat... Pumasok na yung prof namin kaya nagsitahimikan na ang mga chismosa. At ang nakakainis, kakapasok ko palang pero quiz na kaagad ang inabot ko. Ang matindin pa 100 items pa ba naman ang pinaquiz? Kaya hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko.
Nang breaktime na, sa canteen ko nalang hinintay si Abby. Sinali ko na rin siya sa order ko dahil baka nagtitipid na naman yun. Matapos kung mag-order, lumakad na ako papunta sa dati naming pwesto ni Abby. Kaya lang may nakaupo na doon. Pero parang pamilyar sa akin ang mukha nila kaya lumapit parin ako don.
" Hi! Paupo ha. " sabi ko sabay lapag ng tray sa mesa.
Umupo ako sa tabi nong babae at hindi na hinintay pa ang sagot nila. Pansin ko naman yung gulat at pagkabigla sa mukha nila. Kaya umayos ako ng upo at nakangiting humarap sa kanila.
" My name is Reign. " pagpapakilala ko sa kanya.
" D-dana at siya naman si Jick, boyfriend ko. " parang gulat parin nitong sabi.
Napatingin naman ako sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon at nakatingin din sa akin. Napataas naman ang kilay ko sabay ngisi sa kanya. Pero napalitan yun ng pagkakunot noo dahil hanggang ngayon wala parin si Abby. Pareho naman ang oras ng breaktime naman kaya supposedly kanina pa dapat siya nandito.
" Nga pala Reign, thank you pala sa pagtulong mo amin nong nakaraang araw. Baka napano na kami ni Jay kung hindi ka dumating. " sincere nitong sabi.
" Hindi ko yun ginawa para tulongan kayo. Ginawa ko yun dahil ang iingay niyo, nakakaistorbo kayo sa pagtulog ko. Kaya dont thank of me. "
" Kahit na, ang cool mo nga nong time na yun e. Akalain mong nakaya mo sila kahit babae ka. "
Mukhang mali yata ang paglapit ko sa kanila. Ang daldal pala nitong katabi ko.
" By the way, nabalitaan mo ba ang nangyari sa designing department, Reign. "
" Bakit, may nangyari ba? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Meron daw kasing pangbubully ang nangyari doon. Hindi man lang inawat nong prof kaya ayun napaalis dito sa school. At nawalan pa ng license na magturo. Pero nakakapagtaka din dahil nalaman namin na lahat ng estudyante kumuha ng vedio nong time na yun.. e lahat ng gadget nila ay nasira dahil sa pagkuha nila ng vedio. At walang nakaalam kung sino man ang gumawa non. " sabi nito.
" Talaga? Nakakapagtaka nga. " wakang pakialam kung sabi.
Nakanganga naman itong napatingin sa akin, dahilan para magmukha siyang tanga sa harapan ko.
" Yan lang ba ang reaksyon mo? Hindi ka man lang ba nagulat? "
" Saan? "
" Sa nangyari.. kung paano nangyari ang lahat ng yun sa isang araw lang! "
Really? Kailang ko pa bang problemahin ang bagay na yun.
" How abou you, Jick Ano sa palagay mo kung bakit nangyari ang bagay na yun. "
Gulat naman itong napatingin sa akin. Halatang hindi niya inaasahan na kakausapin ko siya. Ang tahimik niya kasi at patuloy lang din siya sa pagkain.
" They deserve it. Dahil hindi naman tama.m ang ginawa nila. At magpapasalamat pa ako sa taong gumawa non sa kanila. "
Napangisi naman ako sa sinabi niya saka inubos yung pagkain ko. Yung para naman kay Abby ay dinala ko nalang dahil magkikita pa naman kami mamaya.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
Hành độngShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.