" Daddy! "
Napatingin ako sa kinaruruunan ng anak ko.. at doon nakita ko kung kaladkarin ng mga tauhan ni Allen ang anak ko maging sina Manang... Galit akong humarap kay Allen, pero sumalubong sa akin ang kamao nito. Dahilan para bumagsak ako sa lupa, pero bago pa man ako makabagon. Tinutukan na ako nito ng baril.
" Mamili ka De Guzman.. sino ang ililigtas mo sa kanila... Kaibigan mo? Yung mga katulong mo.. o baka naman yung anak mo. " nakangisi nitong sabi.
Napatingin naman ako kay Brent.. at tulad ko hindi narin ito kayang lumaban pa. Marami narin itong pasa sa katawan at sa mukha... Lumingon naman ako kay Allen sabay ngisi.. at pinilit na makatayo kahit na pinipigilan ako ng mga tauhan niya.
" Hanggang ngayon ay duwag ka parin Allen... Hindi pa ba sapat na kinuha niyo ang buhay ni Celine. "
" Tumahimik ka De Guzman! Kulang pa ang buhay ng babaeng yun sa ginawa niyo sa mag-ina ko! " galit nitong sabi.
Kumuyom naman yung kamao ko dahil hanggang ngayon, yun parin ang pinaniniwalaan niya.
" Nahihibang kana ba?! Sinabing hindi ka- "
" Mamili kana De Guzman... Kung ayaw mong pare-pareho ko silang patayin. " pagpuputol nito sa sasabihin ko.
Tarantado talaga!
" Pakawalan mo sila... Ako ang kailangan mo diba? " seryusong sabi ko dito.
" Prince! Ano ka ba! Mag-isip ka nga! Kahit anong gawin mo, papatayin din naman tayo nyan. " sigaw ni Brent na nagpupumiglas sa mga humahawak sa kanya.
" Akalain mo nga naman. May isip din pala yang kaibigan mo. " natatawang sabi ni Allen.
' Sh*t! Bakit hindi ko naisip ang bagay na yun?! '
" Daddy! "
Muli akong napatingin sa anak ko ng sumigaw ito ulit. At parang gusto kung sugurin ang lalakeng humahawak sa kanya ng tinutukan siya nito ng baril. Maging sina Manang, ang anak nito at si Brent at ganun din ang sitwasyon.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari ngayon. Dahil tulad noon, wala parin akong nagawa para protektahan silang lahat, lalo na ang anak ko. At kahit anong gawin ko, malalagay ko parin sila panganib... Isa nalang ang maari kung gawin, ang pakisamahan sa gusto ng gagong to.
" What do you want? " seryusong tanong ko dito.
Ngumisi naman ito na parang nagustuhan niya yung tanong ko.
" Ang patayi- "
" Waahh! Late na kami ng dating? "
Pareho kaming napahinto ng marinig namin ang boses na yun. Dahilan para hindi matuloy ang kung ano man ang pakay ni Allen sa amin.
Napalingon ako sa kinaruruunan ng boses na yun. At ng makita ko ang pagmumukha nito, biglang nanlamig at nanigas ang buo kung katawan sa nakikita ko ngayon... Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o namamalikmata lang? Pero sh*t lang! Ilang ulit ko pang idilat yung mata ko at kurutin yung sarili ko... Hindi parin siya nawawala sa harapan ko. Nandon parin siya sa kinatatayuan niya at nakatingin sa akin. At doon ko napatunayan na hindi ako nanaginip.
Kahit matagal na ang panahon ang lumipas. Tandang-tanda ko parin ang mukha niya at masasabi kung wala parin itong pinagbago... Paano ko nasabi ang bagay na yun? Dahil kahit kailan.. hindi ko siya nakalimuta.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.