Chapter 43

2.7K 66 5
                                    

Gabi na pero nandito parin ako sa labas, gumagala mag-isa... Alam kung nasa paligid lang ang mga tauhan na Chui at kahit anong oras pwede nila akong kunin at dalhin sa Boss nila para patayin. Kaya lang nasasanay na akong gabi umuuwi tulad ng ginagawa ko noon.

Pumasok ako sa isang bar saka umorder ng alak at doon narin umupo sa may counter. At habang patuloy na umiinom naramdaman kung may matulis na bagay na nakatutok sa tagiliran ko.

" Nakalapit din ako sayo Carter. " nakangisi nitong sabi.

Nanatili lang akong kalmado at patuloy parin sa pag-inom ng alak at ramdam ko rin mas diniinan niya ang pagtuktok ng matulis na bagay sa tagiliran ko.

" Huwag kang gumalaw kung ayaw mong tuluyan ko itong ibaon sayo. " seryuso nitong sabi.

Hindi ko naman pinansin yung sinabi niya, sa halip kinuha ko yung bote na may lamang alak saka ito tinungga hanggang sa maubos.

" What do you want? " tanong ko dito ng mailapag ko sa ibabaw ng mesa ang boteng wala ng laman.

" Alam mo kung ano ang kailangan ko Reign. Kaya tumayo kana dyan at sumama sa akin. " galit at matigas nitong sabi.

Dumukot ako ng pera sa bulsa ko saka ito inilapag sa may counter at tumayo saka sumunod sa sinabi niya. Nagsimula akong lumakad at siya naman ang siyang paghawak sa braso ko habang ang isang kamay niya ay nakatutok parin sa tagiliran ko na may hawak ng small knife.

" Pasok! "  pasindak nitong utos sa akin ng makarating sa sasakyan nito.

Dahil nga masyadong atat ang isang to, sumunod nalang ako sa sinabi niya at siya naman ang pagpasok nito sa may driver set. Pero hindi niya pa man inistart ang engine ng may tumawag na sa kanya.

" What?! " inis pa nitong sagot. " Ano?! Ang rami niyo dyan pero hindi niyo kayang patumbahin ang mga yan! " galit nitong sabi at pabagsak na ibinaba yung phone niya.

" Mukhang meron kapa yatang ibang aasikasuhin bukod sa akin Allen. " nakangising sabi ko dito.

" Shut-up! " galit nitong sabi saka inistart na yung engine at mabilis na umalis.

Nakarating kami sa isang bayan at sa may kanto palang ay nararambulan na ang mga tauhan ni Allen at sina De Guzman kasama ang tauhan niya na pilit pinuprotektahan ang bayan para ito mapasok.

" Labas! " utos na naman nito sa akin.

Nang hindi ako sumunod sa sinabi niya.. marahas ako nitong hinila palabas ng sasakyan. At saka hinila din papalapit doon sa nagrarambulan. Kasabay non ang pagputok niya ng baril dahilan para matigil ang mga ito.

" Sige! Subukan mo niyo pang lumaban De Guzman. Patay sa akin ang babaeng to. " biglang sabi ni Allen na talagang nakatutok pa sa akin yung baril sa gilid ng ulo ko.

Hindi ko namang mapigilang matawa sa sinabi nito dahilan para galit itong mapatingin sa akin.

" Anong tinatawa mo dyan ha! " galit nitong sabi na diniinan pa nito ang dulo ng baril sa ulo ko.

" Nakakatawang isipin na ginawa mo akong bitag sa lalakeng yan Allen. " natatawang sabi ko at tinuro pa si De Guzman. " Baka nakalimutan mong wala kaming relasyon ng lalakeng yan.. kaya asa kang ililigtas ako nyan... At isa pa, wala siyang kinalaman sa buhay ko okay? " sabi ko dito.

" Tumahimik ka! " galit nitong sabi at malakas na hinila ang buhok ko.

Shit! Sumakit don ang leeg ko ha!

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon