Chapter 1

10.2K 112 0
                                    

" Aalis kana anak? " tanong sa akin ni Nanay pagkalabas ko ng bahay.

" Opo Nay. Malelate na po kasi ako. "

" Hindi ka man lang ba kakain? " tanong pa nito sa akin.

" Hindi na po Nay.. kailangan ko na po kasing pumasok. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya at nagpaalam na rin na aalis na. Baka kasi mag-aalburuto na naman ang matandang yun kapag nalate ako.

Pagdating ko sa pinagtratrabahuan ko, agad akong dumiretso sa may kusina at inilagay sa kung saan yung bag ko. Wala naman silang makukuha dyan sa bag ko kung sakaling nakawin nila.

" Himala at maaga ka ngayon. " mataray na sabi nang Boss ko sa akin pagkapasok nito sa may kusina.

" Magtaka kayo kung malate ako. " nakangising sabi ko sa kanya.

Natahimik naman siya at tiningnan ako ng masama. Sanay na ako sa ganyang ugali niya, at ganun rin siya sa akin. Sanay na siya na lagi ko siyang binabara. Ewan ko ba sa matandang toh, simula pa ng pumasok ako dito sa karinderya niya. Lagi niya nalang ako pinagkakadisketahan kahit wala naman akong ginawang mali sa kanya.

" Umayos ka Reign, kung ayaw mong paalisin kita dito. " seryuso nitong sabi sa akin.

Bigla namang lumambot yung mukha ko at maamong nakatingin sa kanya.

" Hindi ka naman mabiro Boss. Pinapatawa nga lang kita dahil ayaw kung makita kang laging nakasimangot... Gusto ko kasi lagi kang happy para lalo kang gumanda. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Sandali lang ako nito tiningnan saka walang sabi-sabi na lumabas ng kusina.

" Araay.... " biglang sigaw ko ng batukan ako.

Tiningnan ko naman ang may gawa non.

" Ibang klase ka tagala Reign. Naloko mo na naman si bruha- " agad ko namang tinakpan yung bibig niya dahil baka marinig pa kami.

" Ang ingay mo! Mamaya marinig ka nyan masesante pa tayo. "  bulong ko sa kanya.

Inalis niya naman yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya saka humarap sa akin.

" Natakot ka pa? Ni hindi ka nga natakot na sagutin yun. " sabi nito.

" Daldal mo. " sabi ko nalang at tumulong na sa kanila.

Kumilos na kami at tumulong sa kanila sa pagprepare ng mga order. Hindi gaano kalaki ang karendirya ni Boss, pero marami naman ang kumakain dito dahil narin sa masarap na luto ng chef namin dito. Lalo na at malapit ang karendirya na ito sa may construction site, school at iba pang establishment. Kaya talagang araw-araw kaming busy dito dahil dito rin sila kumakain.

Sa kusina ako nakaassign at sa labas naman ang kaibigan kung si Abby. Alam niyo kung ano ang trabaho ko sa kusina? Tagahugas ng pinggan, tagalinis ng sahig, at tumutulong din ako sa pagluluto minsan. Mahirap siya dahil sumasakit yung likod mo lalo na sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Pero kailangan mong tiisin dahil kailangan mo ng pera.

" Hay! Thank you at out na rin. " sabi ni Abby habang isa-isang inaalis yung hairnet niya at apron habang nilalagay ito sa may bag niya.

" Wala na bang bago sayo? Parang yung out nalang natin ang lagi mong binabantayan. " sabi ko sabay labas ng kusina at sumunod naman siya sa akin.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon