Chapter 41

2.8K 68 2
                                    

Agad kaming umalis na tatlo ng malaman namin na ngayon ang transaksyon ng Chui Org. Na kung saan ipapadala nila sa ibang bansa ang mga babaeng dinadakip nila. Kaya dapat namin itong mapigilan bago pa mangyari ang bagay na yun.

" Are you really sure na dito sila magtratransakyon? " medyo inis na tanong ko sa kanila.

" Relax Reign , kunting hintay pa. " nakangiting sabi ni Rory.

Kunting hintay.. kunting hintay! Hindi niya ba alam na kanina pa kami nandito. At nababagot na ako!

" Nandito na sila. "

Agad akong umalis sa pagkakasandal at umayos ng tayo na marinig ko ang sinabi ni Sage. Napasilip naman ako kung saan kami nagtatago ngayon. At tulad nga ng sabi niya.. dumating na yung mga taong kanina pa namin hinihintay. At isa-isang pinapalabas ang mga kababaihan mula sa sasakyan at pilit na pinapapasok sa isang malaking yate... Maririnig mo rin yung mga iyakan ng mga babae habang nagmamakaawa na pakawalan sila at pauwiin.

" Tahimik! Papatayin ko kayo kapag hindi kayo tumahimik! " galit na sigaw ng isang lalake.

Pero kahit nakatalikod ito.. nakilala ko parin ito sa base sa ayos at boses niya.

" Mukhang meron pang gustong umagaw sa trabaho natin ngayon ha. " rinig kung sabi ni Sage.

Napatingin naman ako sa kung saan siya nakatingin. Saglit pa akong natigilan ng makita ko ang isa sa mga kaibigan ni De Guzman na may mga kasama pang tauhan.  Pero tulad namin, nagtatago din sila at naghihintay ng tamang oras para gumawa ng aksyon.

" Ano na ang plano mo ngayon Boss? " rinig kung tanong sa akin ni Rory.

Tumingin naman ako sa kanya saka ngumisi.

" Edi uunahan natin sila. " nakangisi kung sabi dito sabay lakad palabas sa tinataguan namin. At yung dalawang kamay ko au nakalagay sa likod ng ulo ko.

Nong una hindi pa nila ako napapansin dahil busy sila sa kakaasikaso sa mga biktima nila. Pero di kalaunan ay napansin ako ng isa sa mga tauhan nila.

" C-carter. " gulat nitong sabi ng makita ako.

Ngumisi lang ako ng mapatingin silang lahat sa akin. At kita ko yung gulat at takot sa mga mukha nila. Lalo na yung Boss nila na lumaki pa ang mata ng makita ako.

" Long time no see Allen. " nakangising bati ko dito.

"Alerto kayo! " utos nito sa mga tauhan niya habang masama naman ang tingin nito sa akin.

" Hey! Hey! Relax! Masyado naman kayong hot... Ako lang ito okay? Ang nag-iisang Reign Carter. " nakangiting sabi ko sa mga ito.

Takot man ang nakikita ko sa mga mata nila, pero napapansin ko din na handa silang makipaglaban sa akin ng sabay.

" Anong ginagawa mo dito?! Huwag mong pakialaman ang trabaho namin, Reign! " galit na sigaw ni Allen.. ang anak ni Chui.

"E sa gustong mangialam.. may magagawa kaba? " mapang-asar na sabi ko dito.

Mukhang nakuha niya naman ang ibig kung sabihin. Kaya nilingon nito ang mga tauhan niya at nagbigay ng signal na sugurin ako. At ang mga tanga, sumunod naman.

Pangiti-ngiti lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko saka inilagay ang dalawa kung kamay sa magkabilaan kung pants. Habang hinihintay na makalapit sila sa akin.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon