Chapter 19

3.2K 71 1
                                    

Kanina pa nakakunot ang noo ko habang hinahanap ko si Abby sa buong campus. Uwian na kasi at kahit anino niya hindi ko man lang nakita. Nakapunta narin ako sa room nila at wala Abby  nakita doon.  Kaya mag-isa akong umuwi sa bahay na agad namang umalis matapos kung magbihis at magpaalam kay Mama. Hahanap kasi ako ng raket ngayon, dahil alam niyo na. Nawalan ako ng trabaho!

" Ate Reign! "

Agad akong napalingon pagkarinig ko ng boses ng kapatid ni Abby.

" Arvi? Bakit nasa labas kapa.. gabi na ha. " nagtatakang sabi ko dito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya para magkapantay kami.

" Ayaw mo pa bang matulog? " tanong ko pa dito.

" E kasi po ate Reign.. si ate Abby hindi pa umuuwi. "

' WHAT?! '

Buong araw ko siyang hindi nakita sa school maging sa uwian kaya nag expect akong nauna na ito sa akin. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun.

" Ate Reign, hanapin po natin si ate Abby. " sabi nito na halata ang lungkot sa mukha.

" Dont worry, hahanapin ko ang ate mo. Kaya pumasok kana sa loob.. pero huwag mong sasabihin sa Nanay at Tatay na nawawala ang ate mo ha. "

" E, ano po ang sasabihin ko sa kanila? "

" Ang sabihin mk magkasama kami. "

Tsk! Ginawa pang sinugaling ang bata.. at kasalanan yun ng ate niya.

" Sige po ate Reign. Pero promise niyo po na mahahanap niyo si ate Abby ha. "

" Promise. " nakangiting sabi ko dito. " Sige na, pasok na at matulog.. masyado ng gabi para sa mga batang katulad mo. " tumango naman ito at patakbong bumalik sa loob ng bahay nila.

Nang masiguradi kung nakapasok na siya sa loob, saka lang ako umalis at pinagpatuloy ang paglalakad.

Pero habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapaisip at makaramdam ng kaba dahil kay Abby. Akala ko talaga kasi kanina nauna na itong umuwi sa akin, kaya hindi na ako nag-atubili pang ipagpatuloy yung paghahanap ko sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi ngayon lang nangyari ang bagay na toh. Kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba ngayon.

Kasabay ng paghahanap ko kay Abby ay naghahanap rin ang trabaho. Pero inikot ko lahat ng lugar at ni kahit isa sa kanila ay wala akong mahanap. Kaya naglakad-lakad nalang ako dahil baka sakaling makasalubong ko si Abby. Baka kasi maghanap din yun ng trabaho dahil alam nitong wala na akong trabaho.

" Kawawa naman yung babae, pinagtritripan ng mga kasama niya. "

" Ang ibang kabataan kasi ngayon, para wala sa sarili. Kung ano-ano nalang ang pinagagawa para lang magkapera. "

" Gagong batang yun, kung makabinta akala niya gamit lang ang ibininta nila. "

Kunot noo akong napadaan sa mga nag-uusap na siya kakalabas lang nila sa isang bar na siya madadaanan ko. Kaya hindi ko maiwasan na hindi marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa.

" Excuse me. Narinig ko kasi yung pinag-uusapan niyo. Itatanong ko lang sana kung ano ang nangyayari sa loob? " tanong ko na tinutukoy yung bar na nasa harapan ko.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon