Pagkagising ko, agad akong dumeritso sa may banyo para manghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ng morning routine ko, lumabas na ako ng kwarto saka dumeritso sa may kusina. Alam ko kasing doon ko lang sila makikita ng sabay.
" Good morning my family. " nakangiting bati ko sa kanila.
Sabay-sabay naman silang napalingon sa gawi ko. At talagang kita mo yung gulat at saya sa mga mukha nilang lahat pagkakita sa akin... Hindi kasi nila inaasahan na uuwi ano ngayon.
" Mommy! " malakas at masayang sigaw ng anak ko habang patakbong lumapit sa akin.
Agad ko siyang sinalubong kasabay non ang pagbuhat ko sa kanya at niyakap ng mahigpit.
" Namiss mo ba si Mommy... ha.. ha.. " nakangiting sabi ko habang kinikiliti siya.
Tumatawa namn itong tumango dahil sa kakaliti ko sa kanya.. pero din ako dahil baka hindi ito makahinga sa kakatawa niya.
Naglakad na ako papalapit sa table habang buhat ko parin ang anak ko.
" Hi Mom... Hi Dad. " nakangiting bati ko sa kanilang dalawa.
Tumayo naman si Mommy at maluhang-luhang lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal dahil sa wakas! After the long long years. Naramdam ko na ulit yung yakap ng isang ina.
" I miss you so much child. " sabi ni Mommy at muli akong niyakap.
Napangiti naman ako at niyakap din siya.
" Miss you too Mom. " sabi ko dito dahilan para mas lalo pang humigpit ang yakap niya.
Kinuha sa akin ni Mommy yung anak ko sa akin saka ako nakangiting naglakad papalapit kay Daddy at niyakap siya mula sa likuran...
" Hindi mo man lang ba namiss ang nag-iisang unika hija mo Dad? " nakangiting sabi ko at mahigpit siyang niyakap.
Ang serysuo kasi ng mukha niya e, simula ng makita ako kanina. Pero alam kung sa kaloob-looban nito, namimiss din ako nito at masaya siyang nakita niya ako.
Inalis naman nito ang dalawang kamay ko sa balikat niya saka tumayo at nakangiti ng nakatingin sa akin. Kaya umayos na ako ng tayo.
" I'm glad your back, child. " sabi nito at niyakap ako kasabay non ang paghalik nito sa noo ko.
" Namiss ko kayo e. " masayang sabi ko dito.
Matagal din akong nawala at hindi sila nakasama. Kaya talagang sobra ko silang namiss ng nakabalik na ako sa totoo kung tahanan... Magkakasama kaming kumain sa iisang mesa, pagkatapos non kweninto ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin nong lumayo ako sa kanila. Nakipaglaro at nakipagkulitan din ako sa anak ko.. hanggang sa kami nalang ni Dad ang naiwan sa salla.
" So, anong rason kung bakit napauwi ka ngayon? " tanong nito.
" Alam na nila kung sino ako Dad. " deriktang sabi ko dito na siyang ikinagulat niya.
At kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-alala. At bilang isang ama, hindi talagang maiwasan ang bagay nayun.. lalo na at alam nito na buhay ng anak niya ang malalagay sa kapahamakan.
" Paanong nangyari yun?! Lahat ng tungkol sayo.. ng buong pagkatao mo! Lahat yun nakatago! Walang sino man ang nakakaalam non.. maliban sa mga tauhan natin, sa pamilya natin, at sa mga kaibigan mo! " galit na sabi nito.
Isa lang nakakasigurado ako ngayon... Galit ang Daddy.
" Kilala mo ba si De Guzman, Dad? "
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.