Chapter 44

2.7K 63 3
                                    

* Tin POV *

Napatingin ako kay Ms. na mahimbing na natutulog sa front seat. Mga ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik siya.. at ito lang siguro ang araw na nakatulog siya ng maayos. Siguro dahil ito sa
mag-ama na nakasama niya kanina.

Pinark ko yung sasakyan sa may garahe ng bahay saka ako umikot sa may front set para pagbuksan at gisingin si Ms... Saglit pa akong natigilan ng mapatingin ako sa mukha niya... Wala paring pinagbago.. tulad parin ng dati. Nong inalis niya ang maskara.. yun ang kauna-unahang beses na nakita ko ang mukha. At masasabi kung sa likod ng maskara na yun.. nakatago ay isang napaganda at napakaamong mukha.

" Saulo mo na ba ang mukha ko? " nagulat naman ako sa biglang pagising nito.

Napangisi naman ako saka lumayo sa kanya na siyang siyang pag-ayos ng upo bito at paglabas sa sasakyan... Napatingin naman ako sa kanya ng naglakad na ito papasok sa loob ng bahay nila habang hinihilot nito ang leeg niya. Pero bigla nalang itong napatigil na ikinataka ko.

" Magpakita kana sa kanila Tin... Namimiss kana ng anak mo. " sabi nito na hindi man lang ako nililingon.

Sasagutin ko sana siya ng mabilis itong naglakad papasok sa loob ng bahay nila.

Napasandal nalang ako sa sasakyan at napaisip sa sinabi niya... Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin, pero isa lang ang nakakasigurado ako.. may masasaktan lalong-lalo na si Ms.

Muntik ko ng bigsan ng suntok yung taong humalik sa pisngi ko ng agad ko naman napigilan ng makita ko ang pagmumukha niya.

" Ang lalim namang ng iniisip ng sweety ko. " nakangiti nitong sabi.

" Pss.. tara na nga. " sabi ko dito at nauna ng pumason sa loob ng sasakyan.

Hanggang sa daan ay hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Ms. Nalilito ako sa kung ano man ang dapat kung gawin... Nagtatalo yung isip ko sa deriskyon na hindi ko alam kung ano ang dapat kung sundin... Hanggang sa makarating kami sa mansyon na nagsisilbing hideout at bahay narin namin... Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob.. may humawak na sa kamay ko para pigilan ako.

" May problema kaba? Kanina ko pa napapansin yung pagiging tahimik mo. " sabi nito na bakas sa mukha ang pag-alala.

Humarap ako at niyakap siya ng sobrang higpit. Ito ang lalakeng to ang isa sa dahilan kung bakit nahihirapan akong mag-isip ngayon... Simula nang dinala ako ni Ms. dito. Isa siya sa dahilan kung bakit nakalimutan ko ang nangyari noon at maging malakas.. siya yung nagbigay ng kasiyahan at sandalan ko. At naging dahilan para mahalin ko siya at mahalin niya rin ako.. hanggang sa naging kami.

" Hey! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. " sabi nito.

Humiwalay ako sa kanya at mung sumandala sa sasakyan at yun din ang ginawa niya.

" Gusto ni Ms. na magpakita na ako sa kanila. " sabi ko at ramdam kung natigilan siya.

" Gusto mo ba? "

" Okay lang ba sayo? "

Pinaharap niya naman ako sa kanya at nakangiti itong tumingin sa akin.

" Its okay for me sweety. " nakangiti nitong sabi. " Hindi habang buhay ay magtatago nalang tayo. Its time na magpakita kana sa kanila, at baguhin ang katotohan na buhay ka at hindi patay. "

" I know that.. kaya lang- "

" Because of Ms. right? " sabi nito na ikinatango ko naman.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon