Chapter 49

2.7K 74 5
                                    

Continuation of flashback..

Ilang araw na akong nakakulong sa kwartong to, hinang-hina narin ang katawan ko.. dahil bukod sa hindi nila ako binibigyan ng pagkain. Sinasaktan din ako ni Allen sa tuwing nagagalit siya... Parang lantang gulay na ang katawan ko dahil sa sobrang hina ng katawan ko.. kaya wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak nalang. Nawawalan narin ako ng pagkaasa na makakalabas pa ako dito at tanggap ko ng mamamatay na ako sa ganitong kalagayan... Alam ko namang hindi pababayaan ni Prince ang anak namin, kaya panatag na ako sa bagay na yun.

Pero muling bumalik ang pag-asa ko na makakalaya ako dito ng makarinig ako ng pagsabog at sunod-sunod na putukan na nanggagaling sa labas ng kwartong ito... Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas pero pinipilit ko yung sarili ko na makatayo at makalapit man lang sa pinto para makahingi ng tulong. Pero nakaramdam ako ng kaba ng may mga usok na pumapasok sa loob ng kwartong kinalalagyan ko ngayon... At kahit hinang-hina na ako, pinipilit ko paring lakasan ang boses ko para humingi ng tulong.

" T-tulong.. *cough* tulongang niyo a-ako *cough*. " nanghihina ko ng sabi dahil pumapasok na yung usok sa lalalamunan ko. " P-please.. m-maawa k-k-kayo. T-tulongan niyo ako. " sabi ko pa na nawawalan na ng lakas at unti-unti naring pumipkit ang mga mata ko.

Pero bago pa man ako lamunin ng antok. Nasinagan ko pa ang pagbukas ng pinto at marinig ang malamig na boses nito.

" Hey Lady! Kung ayaw mo pang mamatay at maletshon. Just f*ck*ng get up! " malamig nitong sabi. " O f*ck! " rinig ko pang sabi nito ng muntik na akong matumba kung hindi lang ito naging mabilis.

Inalalayan ako nitong tumayo hanggang sa magsimula na kaming maglakad papalabas sa kwartong iyun. Hanggang sa makalabas na kami ng masyon na ngayon at kinakain na ng apoy... At doon, masasabi kung ligtas na ako.

* End of flashback. *

Hinaplos ko yung mukha ni Ms. at hindi maiwasang mapangiti.

" Unang kita ko palang sa kanya, talagang nagandahan na ako... Mabait na tao si Ms. pero masamang magalit. At siya rin ang naging dahilan kung bakit ako natutung lumaban. " nakangiti kung sabi.

" Alam mo bang para kaming tanga dahil pinaluluksa namin yung taong akala naming patay na. " sabi nito na may bahid na galit sa boses niya.

Naguilty naman ako sa sinabi niya.

" I'm sorry Prince. Pero kailangan naming palabasin na patay na ako, para hindi mahinala sina Allen. "

Kapag nalaman nilang buhay na ako, sigurado ako gagawin nina Allen ang lahat mahanap lang ako. At alam kung babalikan din ng mga ito sina Prince at ang anak ko.

" What about her? Bakit kailangan niyang lumayo at magtago? " curious nitong tanong.

" Magugulat kaba kung sasabihin kung si Ms. ang pumatay sa asawa ni Chui. At si Ms. rin ang dahilan kung bakit sa atin binubuntong ni Chui ang galit nito dahil sa pagkawala ng asawa niya. " seryusong sabi ko sa kanya.

" What?! May dapat ba akong malaman sa nangyari noon? " malamig nitong tanong.

Alam kung nakakagulat, dahil kahit ako ay talagang nagulat ng malaman ko ang bagay na yun... Alam ko rin kung ano ang ginawa ni Ms. para sa amin ibutong ni Chui ang galit nito sa pagkawala ng asawa niya, kaya ako nawalay ako ng madaling panahon kina Prince at sa anak ko... Nong una talagang nagalit ako kay Ms. at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Pero ng makita ko siya na araw-araw umiiyak at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata. Lalo nat nalaman ko kung bakit nagawa yun ni Ms. Napagtanto kung hindi ko siya masisisi kung bakit niya yun nagawa. Dahil kahit siguro ako, magagawa ko ang bagay na yun.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon