Chapter 16

3.3K 75 3
                                    

" Halatang hindi takot si Reign sayo. " bulong sa akin ni Brent na hindi ko naman pinansin.

" The truth is, wala naman talaga akong balak na saktan ang anak niyo Sir. I did that because we want to see you. "

" At gusto mong paniwalaan kita sa sinabi mo?! "

" Uhmm...Yeah? " hindi pa siguradong sabi nito.

" Kill her! " sabi ko sabay talikod.

Narinig ko pa siyang nagsusumigaw pero hindi ko pinansin yun at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

" Dad wait! Totoo po ang sinasabi ni Ate Reign. "

Napatigil ako sa paglalakad saka lumingon sa anak ko na seryuso ang mukha mo.

" What did you say son? "

" Totoo po ang sinasabi ni Ate Reign.. wala po talaga siyang balak na saktan ako. She was playing around. "

" Your son is right Sir. "

Malalaking hakbang ang ginawa ko marating ko lang ang kinaruruunan ng babaeng yun. Dahil ramdam kung kumukulo yung dugo ko sa pinagagawa niya... Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo at hinila papalapit sa akin.

" Sa palagay mo ba isang laro lang yun? !Paano kung nasaktan ang anak ko sa ginawa mo? Anong gagawin mo ha! "

" Edi patayin mo ako. " sabi nito na parang wala lang sa kanya.

Mas lalo ko pa sang hihigpitan yung pagkakahawak ko sa kwelyo niya kung hindi lang dumating si Brent para pigilan ako.

" Mas mabuting pang sa office nalang kayo mag usap Prince. " sabi nito

Tulad ng sabi ni Brent sa office nga kami nag-usap.. sumama narin siya para daw may umawat sa akin kung sakaling may gawin ako sa babaeng toh. Hinayaan ko nalang din siya dahil baka masaktan ko nga ang babaeng toh.. kapag nabwesit ako sa kanya.

" Now explain your side Lady. " seryusong sabi ko sa kanya.

Huminga naman ito ng malalim at talagang komportable pa tong umupo sa harapan ko ha.

" Wala naman talaga akong balak saktan ang anak niyo Sir. I did that dahil alam kung yun lang ang tanging paraan para mapuntahan namin kayo at magpaalam. " mahinahon naman nitong sabi.

" Pero hindi tamang gawin mo yun sa anak ko! Paano kung nabaril mo siya ha?! "

" Hmm... A-ang totoo nyan Sir. Wala pong bala yung baril. " sabi nito na nakakamot pa sa ulo niya at parang tangang nakangiti pa.

Kinuha ko naman yung baril na nilagay ko sa ibabaw ng mesa at saka inalis yung lagayan ng bala. Muling kumunot ang noo ko ng makitang wala ngang bala ang baril na hawak niya kanina..

Masama ko siyang tiningnan pero nakangiti parin ang babaeng toh.

' She's really crazy. '

Talagang ang lakas ng loob niyang gawin ang bagay na yun pero wala namang bala ang baril na hawak niya. At nakakapagtaka na hindi napansin yun ng mga tauhan ko. Kahit din naman ako hindi napansin na walang bala pala yung baril na itinutok niya sa anak ko. Because she act like a PROFESSIONAL!

" Saan mo nakuha ang baril? " seryusong tanong sa kanya ni Brent.

" Sa Bodyguard ni Keagan. "

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon