Chapter 39

2.7K 74 2
                                    

Sa rami ng dapat kung ayusin, ngayon lang ako nakapasok.. simula nong tumakas kami sa hideout ni Chui. At kung tinatanong niyo kung paano kami nakatakas? Simple lang, ginamit namin ang kaalaman namin sa pagtakas. Wala din akong balak taguan sila no.. dahil nakakapagod na ding takbuhan sila. Bahala nalang silang maghabol sa akin.

" Reign! " napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Abby. Kasama din nito si Dana at Jick na nakasunod lang sa kanila... Sinalubong ko din sila ng yakap ng makalapit sila sa akin. " Namiss kita. " rinig kung sabi ni Abby na gigil akong niyakap.. saka ito humiwalay.

" Saan kaba napupunta Reign? Ilang araw kanang hindi pumapasok at hindi kana rin daw umuuwi sa inyo sabi ni Abby. " curious na tanong ni Dana.

" Saan kaba talagang nanggaling Reign? Kahit yung nanay mo hindi rin alam kung nasaan ka. Hindi mo ba alam na pinag-alala mo kami. " parang bigla naman akong naguilty sa sinabi niya.

" Namasyal lang ako. " nakangiting sabi ko sa kanila.

" Ganun ka talaga?! " sabay nila sigaw na dalawa.

Nakangiti naman akong tumango sa kanila saka sila inakbayan.

" Huwag ng maraming tanong okay? Treat ko nalang kayo mamaya. " sabi ko nang ikinangiti nilang pareho.

Sabay-sabay na kaming naglakad sa may hallway habang nakaakbay parin ako sa kanila at nakikipagkwentuhan sa kanila. Hinatid ko narin sila sa mga room nila hanggang sa kami nalang dalawa ni Jick ang naiwan at naglalakad sa may coridor.

" Anong balita? " agad na tanong ko sa kanya.

" Natagumpay ang mga Chiu na pasukin ang maliliit na bayan. At ngayon ang target nila ay yung malalaking bayan at ang school na ito. " sabi nito na kami lang ang nakakarinig.

" Si Allen ang nagmumuno? "

" Yes! Ms. Mas maraming tauhan ang meron sila kumpara kay De Guzman.. na ngayon ay nagbabantay na sa mga ilan pang natitirang bayan. Pero may posibilidad din na madali lang itong pasukin ng mga tauhan ni Allen. " Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.. " Tutulongan na ba natin si De Guzman Ms? " tanong pa nito.

" Hindi pa muna sa ngayon. Dahil mukhang kaya pa naman nila. But you make sure na hindi makukuha ng Chiu Org. ang iba pang mga bayan. " sabi ko at nauna ng umalis sa kanya.

Dalawang subject lang ang pinasukan ko ngayon at umalis din ng school. Nalaman ko kasing pumunta na naman si Jiminez sa bahay namin. And I want to make sure kung okay lang ba sila doon... And thank God, dahil walang may nasaktan sa kanila. Mabuti nalang nandon ang mga kaibigan ko para pigilan sila Jiminez. Bumalik din naman ako agad sa school dahil talagang sinigurado ko lang na okay lang sila Nanay... Ilang araw din akong hindi pumasok kaya kailangan kung bumuwi sa mga subject ko. Patay ako nito kapag hindi ako nakapasa at nakagraduate.

Papunta ako ngayon sa may field, nandon kasi sina Dana at Abby. Tumawag kasi sila sa akin na manunuod sila ng laro ni Jick, kaya doon ako dederitso ngayon. Soccer kasi ang nilalaro ni Jick.. kaya pustahan tayo sasakit na naman ang katawan nito. Papunta palang ako sa may soccer field ng may biglang humila sa akin kasabay non ang pagpaharap sa kanya.

" What the- "

Napatigil ako ng pagharap ko ay ang mukh ni Prince ang nakita ko at kasama nito ang dalawa niyang kaibigan... Pero ang mas nakakapatigil sa akin ay yung seryusong mukha at masamang tingin sa akin ni Prince. At doon nakaramdam ako ng matinding kaba at takot... Hindi sa kanya, kundi sa sasabihin niya dito mismo.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon