Chapter 55

2.7K 70 5
                                    

* Author POV *

Nanggagalaiti sa galit si Allen ng malamang napasukan nila Reign at ang Team nito at area nila. Kampante pa naman siyang hindi agad makakapasok ang mga ito dahil sa mga kuryenteng dumadaloy sa wire. Pero nakalimutan niya palang isang Reign Carter ang nakalaban niya... Nalaman niya rin na bagsak na ang lahat ng mga tauhan niya na nagbabantay sa labas na wala man lang naririnig na ingay. Kay mas lalo siyang nanggagalaiti sa galit at sabik na sabik na patayin si Reign.

" Boss! "

" What?! " singhal at galit niyang tanong dito.

" Yung Daddy niyo, wala na sa kwarto niya. " pagsabi nito na siyang kinaapoy ng galit nito.

" Carteeeeeeeer! " galit nitong sigaw at nagmamadaling lumabas ng opisina niya dala ang mga baril.

Inutusan niya rin ang ilang mga tauhan na tawagin ang ilan pang natitira para sa digmaan na gaganapin ngayon. Sa paglabas niya ng mansion nasa harapan niya na mismo na kung tawagin ay parang mga battalion dahil sa rami ng mga tauhan ni Carter. At alam niyang wala pa sa kalahati ang mga isinama niya dito... Nasa mismong haparan niya rin ang apat nitong kaibigan. At sa harapan ng mga ito ay ang kanilang pinuno. Si Reign na tuwid na nakatayo sa kanyang harapan na may kakaibang ngiti sa labi. At ang kanyang ama na nakaluhod sa harapan ni Reign at nakagapos ang dalawang kamay sa likuran... Na kung tutuusin para talagang isang malaking labanan ang mangyayari ngayon.

" Mommy! "

"Bullet! " pagtawag niya sa anak ng marinig at makita niya itong bitbit ni Jiminez.

Kumukuyom ang kamao niya dahil sa pag-alalang pwedeng mangyaring masama sa anak niya. At ngayon, nakikita niya ang sitwasyon nito, alam niyang nahihirapan din ito at gusto ng makaalis sa lalakeng humahawak sa kanya ngayon... Gusto niyang takbuhin ang anak at agawin sa mga ito, pero hindi pwede. Dahil alam niyang maling hakbang niya lang pwedeng mapahamak ang anak niya. At mas lalong kumukulo ang dugo niya ng makita niya ang nakangising tingin ni Jiminez at ang pagmumukha ni Allen.

" Let him go, Allen. " seryuso at may pagbabantang sabi ni Reign.

" Gagawin ko lang yun, kung papakawalan mo din ang ama ko. " seryuso ring sabi ni Allen.

Mas lalong kumuyom ang kamao ni Reign at nag-aapoy sa galit dahil alam niyang hindi bibitawan ni Allen ang anak, hanggat hindi nito nakukuha ang ama niya... Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili, bago pa siya gumawa ng desisyon na ikinapahamak ng lahat lalo na ng anak niya.

" Then, let's do a barter. Ibibigay mo sa akin ang anak ko, kapalit ng ama mo. " sabi ni Reign na hinila pa ang damit ni Mr. Chui sa likod dahilan para mapaangat ito.

Sandaling nag-isip si Allen sa naging desisyon ni Reign, na kung tutuusin ay pwedeng mangyari ang bagay na yun.

" Sigurado kana ba sa desisyon mo Ms? " nag-alalang tanong ni Jick sa Boss.

" Yun lang ang tanging paraan para makuha ko ang anak ko. "

" Pero baka dayain tayo ni Allen, Ms. Alam mo namang madumi ding maglaro ang isang yan. " sabi naman ni Rory.

" Hindi si Allen ang dapat niyong bantayan, kundi si Jiminez. Dahil pareho natin alam na mas madumi payang maglaro kay Allen. " sabi naman ni Sage sa kanila.

" Magsihanda na kayo. " biglang sabi sa kanila ni Reign ng mapansing nakapagdesisyon na si Allen.

" Okay deal... Sa gitna tayo magpalitan kasama ang isang mga tauhan natin bitbit ang ama ko at anak mo. " sabi nito na ikinangisi naman ni Reign.

" Hold him tight, Jick. " sabi ni Reign at nagsimula ng maglakad papunta sa gitna.

Nagtataka namang napatingin si Jick sa dalawa, pero nakakaasar na ngisi naman ang binigay kanya nina Sage at Rory. Kaya sa gusto mang tumanggi ni Jick ay wala siyang magawa kundi ang sumunod sa utos ng Boss niya. Kaya hinila niya na patayo si Mr. Chui at hinawakan ng mabuti ang mga nakatali nitong kamay sa likuran saka nagsimula naring sumunod sa Boss niya papuntang gitna... Nang makarating ang parehong grupo sa gitna ay talagang makikita mo sa kanilang mga mata kung gaano katalim ang tingin nila sa isat-isa.

" Wala ka talagang pinagbago Reign. Ang linis mo paring kumilos tulad ng dati. " simulang sabi ni Allen.

" Huwag ng maraming satsat Allen. Ibigay mo na sa akin ang anak ko. " seryuso namang sabi ni Reign saka tumingin kay Bullet.

Pero ang kaninang bigat at takot na dinadala ay parang nabawasan ng kahit kunti lang dahil sa pagngiti sa kanya ng anak.

" Ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaganito Reign. Kung sana hinayaan mo lang kami ni Sun noon, edi sana walang mangyayaring gulo dito. " galit na sabi ni Allen kay Reign.

" Huwag na tayong maglukohan dito Allen... Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon na ayusin mo ang pagsasama niyo ni Sun, pero ano? Wala kang ginawa.. hinayaan mo lang na saktan at maltratuhin siya ng mga magulang mo, lalo na ng ina mo. " galit at puno ng paninisi na sabi Reign kay Allen. " Kaya dapat lang na pinatay ko siya. " nakangising sabi pa nito na siyang ikinagalit ni Allen at sa muntik ng pagsugod sa kanya na hindi natuloy dahil sa biglang pagtuktok niya ng batil sa ama nito.

" Subukan mong iputok yang hawak mo Carter. Sisiguraduhin ko ding mawawala itong anak mo. "

" Kaya nga magpalitan na tayo at simulan na ang digmaan. " sabi din ni Reign sa kanya.

Sumenyas naman si Allen kay Jiminez na ibigay na yung bata kay Reign, at ganun si Reign kay Jick. Nakangisi lang nakatingin si Jiminez kay Jick habang si Jick naman ay walang reaksyon na nakatingin sa kanya. Agad namang kinarga ni Reign ang anak habang ang isa ay may hawak na baril at nakatuktok kay Allen na kung sakaling may gawin ito. At patulak naman ibinigay ni Jick si Mr. Chui kay Jiminez dahilan para masama itong tumingin sa kanya.

" Good luck Carter. " nakangising sabi ni Allen kay Reign saka tumalikod habang akay-akay ang ama.

Napangisi nalang si Reign sa sinabi nito saka itinuon muna ang atensyon sa anak... Niyakap niya ito ng mahigpit saka hinalikan sa noo ang anak.

" Sumama ka muna kay Tito Jick ha. " nakangiting sabi niya sa anak.

" But Mommy- "

" No but anak, its too dangerous here for you. "

" You naman palang dangerous dito Mommy, bakit hindi nal- " napatigil lang ito ng naging seryuso ang inang tumingin sa kanya. " Fine! But promise me na uuwi ka ng buhay, Mom. " dagdag pa nito.

Pero ngumiti lang siya dito saka inaabot na ito kay Jick na agad namang kinarga ni Jick.

" Please, make him safe. " pakiusap nito kay Jick.

" I will Ms. " sabi nito saka nagmamadaling umalis na sa lugar na yun karga-karga si Bullet.

Nang makitang nakaalis na ang sinasakyang sasakyan nina Jick ay saka lang muling humarap si Reign ngunit sa pagharap niya ay ang baril na ni Jiminez ang nakatutok sa kanya.

" Ikamusta mo nalang ako kay Satanas. " nakangising sabi ni Jiminez saka ipinutok ang baril.

At doon na nagsimula ang gulo at labanan ng bawat grupo.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon