Chapter 9: Everyone Has a Secret

21 7 0
                                        

*setting: Science Faculty

Soul's POV

        "Whoah! A-anong ginawa mo sakin?" Hindi makapaniwalang usal ni Ms. Aria habang tinitignan ang sariling tumagos sa mga materyal na bagay.

        Ang totoo nyan maging ako hindi makapaniwala sa ginawa ko, kung bakit ko binura ang katawang lupa niya. Nagdilim lang siguro ang paningin ko nang makitang gamitan niya ng kapangyarihan si Sephira.

        Ewan ko ba pero parang nagbalik ang alaala nang pagkawala ng mga dati kong kaibigan. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin kung ano bang dahilan ng biglaan nilang pagkawala.

        Magmula nun, isinumpa ko na ang mga kagaya kong may kakaibang kakayahan. Malakas kasi ang pakiramdam kong isa sa mga ito ang kumuha sa kanila upang gamitin.

        Dali dali akong tumakbo palabas upang habulin si Sephira at balaan siya ng tungkol sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. Dapat wala nang ibang makaalam - bukod pa sa aming tatlo nina Ms. Aria.

        Pero bago pa man ako makalabas, "Hoy, teka. Saan ka pupunta?" pagpigil sa'kin ni Ms. Aria "Ibalik mo 'ko sa dati"

        Binigyan ko siya ng isang alangang ngiti na para bang sinasabing hindi ko rin alam kung paano gagawin un. Atsaka tumalikod at patakbong lumabas.

Sephira's POV

        Nasa may tagong parte ako ng beach sa tapat ng SSU nang  mapagpasiyahan kong ibalik ang sarili sa Visible Phase. Wala namang tao rito at safe.

        Matapos iyon ay naupo ako sa may malaking bato at dito nagpahinga upang mabawi ang sariling lakas bago umuwi.

        Napatanaw ako sa malayo. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.

        "Sephira!" napatigil ako sa pag iisip nang marinig kong may tumawag sakin. Teka, Akala ko ba wala akong maisip na iisipin? O.o? Pero diba pag iisip tong ginagawa ko ngayon?

        Itinigil ko ang pakikipagtalo sa konsensya ko at hinanap ang may-ari ng boses. Hindi ko inaasahan kung kanino nanggaling ito. Nagulat ako nang lumitaw sa harapan ko si Ms. Hypnos. Hindi na ko takot sa kanya; ngayon na parang isa na lang siyang kaluluwang nangangailangan ng tulong.

        Nagkunwari akong hindi siya nakita at tumingin ng tagusan sa malayo. Literal na tagusan. Wala naman siyang ginawa kundi ang magpapansin na tila hindi kumbinsidong hindi ko nga siya nakikita.

        'Hayy naku bahala sya jan, wala naman siyang magagawa kung ayaw ko diba? >:D'

        "Nais ko lang sanang humingi ng tawad sa ginawa ko sa'yo kanina," siya nang mapagod sa ginagawa. Wala pa rin akong balak na makinig kaya tumayo na ako sa batong inuupuan at aktong aalis na nang "Hanggang ngayon ba hindi mo ako hahayaang magpaliwanag?"

        'Aba at kasalanan ko pa pala ha?' lumingon ako sa kanya na tila ba walang gana. Nais kong makinig sa sasabihin niya pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga ito.

Secrets of the Southern IslesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon