Chrome's POV
Habang unti-unti akong nililipad ng mga Origami palayo sa kastilyo, dumapo ang mata ko sa mga Gatekeepers at SoulStealers na nilalabanan ang mga Necromanced Soldier na ipinadala ng Bermuda Triangle.Pinahid ko ang mga luha na dumaloy sa aking mukha at huminga ng malalim. Dumaan ang hangin at natangay nito ang ilang abo mula sa sumabog kong kwarto. Tila umulan ng itim na nyebe. At ang mga abong iyon ay nanggaling sa nasunog kong kagamitan. Ngayon ay nagbalik sa akin ang dahilan kung bakit ako naghihiganti. Ang mga Pictures at Posters kong pinakamamahal.
"Torch Sceptre" bigkas ko at nagmistulang sulo ang setrong hawak ko. Unti unti kong binawasan ang papel na origami gamit ang apoy para maayos akong makalapag. Napupuno ng galit ang puso ko ngayon. Alab na bumubuhay sa layunin kong magapi ang kalaban. At magtatagumpay na ako ngayon. Mananalo kami.
"Huwag poot ang gamitin mong sandata para magtagumpay." isang tinig na para sa akin. Ang Spirit kong si Glitter Ash ang nagsasalita at ako lamang ang nakakarinig noon. "Kapag pinanatili mo iyan, magagapi mo ang pisikal na anyo ng kadiliman. Ngunit maghahari ito sa puso mo"
Tama ang Spirit. Pero gagamitin ko ang lahat ng emosyong magdadala sa amin sa tagumpay. Galit man ito o Paghihiganti. Lahat.
Sephira's POV
"How do you expect to win this battle, King Castiel?" pangungutya ni Darkness Frost "without Chrome and her Rare Scepter, you seem so weak"
Tama si Darkness. Kung wala ang pinakamalakas na sandata ng Southern Soul Kingdom, wala kaming laban sa pinakamalakas na sandata ng Bermuda Triangle - ang Tenebrous Globe. Pero alam kong babalik si Chrome. Hindi kayang iwanan ng bestfriend ko ang kahariang matagal niya nang pinaglalaban.
Ramdam kong nasa paligid lang si Chrome. I can almost see her rushing through the hallway. But how do I suppose to know? Ewan ko. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko eh.
Frost aimed for another shot. Throwing her dark globe towards the King. But in no second, Salient was there to defend the king. Sinalag niya ang bola gamit ang malaking espada na tila isang baseball bat. Lumipad pabalik ang bola at tinamaan si Darkness sa sikmura, dahilan upang mapaatras ito.
Nang makarecover mula sa tinamong impact, bumwelo ulit siya. Hindi ako nagsayang ng panahon, gamit ang telekinesis, pinalutang ko ang dagger ko at inasinta ang leeg niya. Ngunit dahil mabilis siyang kumilos, braso lang niya ang nakasalo nito, ganun pa man, nawala siya sa focus at hindi naibato ang itim na bola. Mas lalong nag apoy ang mga tingin ni Darkness nang hugutin nito ang punyal. Umagos ang itim na dugo mula sa kulay semento nitong balat.
Dahil doon, hinayaan niya ang Tenebrous Globe na lumutang sa ere upang dumukot ng dual knife na mas sanay siyang gamitin bilang sandata. Hindi gumagalaw ang black crystal habang nakalutang lang sa ere, malamang ay hindi ito gagamitin pansamantala ni Frost.
Kumilos naman ang hari at nagpalipad ng apat na baraha patungo kay Frost. Ang dalawang nauna ay nasalag niya gamit ang dual knife. Pero ang dalawa pang sumunod ay sumalisi sa kanyang mga binti at muli siyang nahiwa ng matalas na baraha.
Dumukot ako ng palaso at inasinta ang lumulutang na Tenebrous Globe. Siguro kung masisira ko ito ay mababawasan ang lakas ng kadiliman. Kinalabit ko ang pana at lumipad ang palaso. Nang matamaan ang itim na bola, ay nagpalabas ito ng malakas na boltahe upang patamaan ako. Mabuti na lang at nakailag ako at sa pader na nasa likod ko ang tinamaan. Lumikha ito ng malakas na pagsabog.
Naisip ko kung ako ang tinamaan nun, malamang ay nagpira-piraso na ang katawan ko. Nasaan ka na ba Chrome?
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...