*setting: Still at the apartment
Chrome Voltaire's POV
Sumugod na rito ang mga SoulStealers. Talagang desperado na silang makakalap ng maraming LunarSouls —mga taong may iba't ibang abilidad at kapangyarihan.
'Nakakainis! Bakit naman ngayon pa?! Kung kailan narito si Salient at Ma'am Aria?'
Kanina pa ako hindi mapakali, 'Paano ko sisimulan ang paliwanag?' 'Paano kung di nila ako paniwalaan?' mga tanong na bumabagabag sa akin. At higit sa lahat, 'Paano kung makilala ako ng mga SoulStealers?'
Alam kong hindi lang kina Sephira ako kailangang magpaliwanag, kundi pati na sa mga kalahi ko..
Kasalukuyang nakikipag-sagupa si Sephira sa mga SoulStealers —ung mga taong may item na kapa at hood na siyang responsable sa pagkawala ng mga batch mates namin.
'Lalabas ba ako para tulungan si Sephira?' o 'Dito na lang ako. Magtatago. Iingatan ang tinaguriang 'Secrets of the Southern Isles'?'
Kung pipiliin ko ang nauna, makikilala ako ng mga SoulStealers at kakailanganin ko ng mahaba habang paliwanagan. At maisasalba ko pa ang pagkakaibigan namin.
Kung ung pangalawa naman, mananahimik na lang dito at hindi gagawa ng anumang hakbang. Kailangan kong ingatan ang Sikretong matagal na naming tinatago.
Tama, dito na lang muna ako at maghihintay ng pagkakataon. Kung kailan safe na. Pero tama bang magpaka-selfish ako at hayaan na lang mapahamak ang mga taong pinahahalagahan ko?
Si Ms Aria, na kahit nasasaktan sa ginawang iyon ni Soul sa kanya ay nagpresenta pang sumilip para lang mapanatili kaming ligtas. Si Salient, kakakilala pa lamang namin pero mas hahayaan pa nyang siya ang masaktan kaysa sa amin..
At.. At si Sephira. Napakalaki ng utang ko sa best friend ko, na kahit hindi nakakasiguro kung maililigtas ako, pinilit niyang sila ay harapin — ang tunay na ugali ng isang kaibigan na ngayon pa lamang ako nagkaroon. At hindi ko hahayaang may manakit sa kanya, kundi magbabayad sila.
"Aaahhh!" isang sigaw mula sa labas na sigurado akong galing kay Sephira. Nangilid ang mga luha ko nang marinig ito. Isang sigaw na dama ng makakarinig ang hapdi ng mga sugat. Masakit..
Wala sa mga sarili na akong lumabas. Baka pag nagtagal ay kung ano pang gawin nila sa kanya. Sinuway ko ang utos niyang huwag lalabas. Nang tuluyan kong makita ang kalagayan niya, nagtuloy tuloy nang umagos ang luha ko.
Ito ang unang beses na may makakakita sa aking umiiyak, maging ang mga kasamahan ko inaakalang puro kasiyahan lang ang alam ko at wala sa bukabolaryo ko ang malungkot at umiyak. Pero nagbago ngayon..
"Tama na!" pagharang ko sa sarili upang di tuluyang makalapit si Forest sa kanila. Nang makita ako nito, nagbago ang nakakatakot niyang ngiti at napalitan ng pagka-gulat at kaba.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Misterio / SuspensoThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...
