Sephira's POV
I had to admit. Magaling sa paggamit ng kakayahan si Salient. Kailangan ko ring aminin. Unti unti na kong nahuhulog sa kanya.
Hindi dahil gwapo siya. O mayaman. O maipagmamalaki.
First of all, palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Next thing, he always keeps me safe; ilang beses niya na kong niligtas—kay Ms. Aria, dun sa dalawang maldita na section 15, sa BombStarter..
Pero kailangan ko itong pigilan. The FortuneTeller says "You will inherit a curse. Your first love will die—he will carry the burden of darkness he never knew and never wanted; however let the MoonLight shine through him, and there the light will save him from death."
Mas malala pa kaysa sa naunang hula sa amin. Mas nakakatakot. Mas nakakakilabot. Hindi ko inaasahan, nanginginig ako.
Paano kung magmahal ako at may mapahamak? Hindi ba parang ang sakit isipin nun? Na hindi mo pa nagagawang umibig ay may hadlang na agad?
Dumapo ang tingin ko sa bugnuting si Soul na sa ngayon ay napipilitang mag-agree sa mga mandirigmang kausap niya.
Bigla kong naalala, hindi naman siguro siya manliligaw sakin. Tama walang pag-asang mangyari un. Isa pa, he will never feel the same. Ang dapat sa isang prinsipeng katulad niya ay isa ring prinsesa. Hindi kagaya ko, Cindirella ang peg pero wala namang something magical na mangyayari.
Ayoko rin siyang mapahamak kung sakali man kaya wala akong balak na sagutin siya.
Hindi kaya ng konsensya ko. Sabihin na nating hindi siya ung naka-destined na makasama ko, masakit pa rin.
Malinaw na sinabi eh, "mamahalin o iibigin" ko daw ung taong un. Buti sana kung ung "magugustuhan" ko lang. Pwede akong magkagusto kahit kanino pero magmahal? Imposible.
"Ate Seph?" nahawakan ni Clyde ang kamay ko bago pa ko makapag-Invisible. "Umiiyak ka ba?"
"Ah, hindi, na.." na-mental block ako. Anong ipapalusot ko? "Na-nasiko kasi nung manong ung ulo ko, naalog yata. Shakit :3 hehe" sabay pahid ng luha kong muntik nang pumatak.
Ginawa ko ang lahat para makalimutan tong nararamdaman ko. Please, paano ba?
Napa-hinga ako ng malalim. "Wag kang papadala sa emosyon mo." narinig ko sa isip ko ang malalim na tinig nung lalaking usok. Tama, ako lang ang nakakarinig nun. "Ako ang bahala,"
Naglakad ako papunta kay Mrs. Garnette. Ung lalaking Spirit ang kumokontrol sakin. Pakiramdam ko nawala ung sakit na kanina ko lang iniisip. Kung tutuusin para akong may Bipolar disorder nito eh.
"Sino po ung mga taong un?" bungad ko rito "Nasaktan po ba kayo?"
"Ang mga tax collector. Ilang buwan rin kaming hindi nakabayad kaya ganun. Pero wala to"
"Wag kayong mag-alala. Hindi na po sila babalik" paninigurado ko.
"Salamat. Pero bakit niyo ginamit ang kapangyarihan niyo? Hindi ba sabi ko umiwas na kayo! Lagot na tayo."
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...
