Chapter 33: The Curse of Forbidden Magic

18 0 0
                                    


Salient Soul's POV

"Hahaha! Wag! Nakikiliti nga ako sabi eh! Hahaha"

"Ganun? Ehdi eto pa!" mas lalo ko pa siyang kiniliti sa bewang hanggang sa magwala siya na parang bulateng hindi mapakali. Nakakatuwa. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko siyang nakangiti. "Kilitiin kaya kita sa leeg? :P haha"

"Waaaaag, tama na please hahaha. Nahihirapan akong huminga hahaha!" at sige pa rin siya sa tawa hanggang sa pati ako napagod na din sa kulitan namin..

She's one of a kind. Kahit ung simpleng 'hahaha' niya lang nagbibigay na ng kasiyahan sakin. Lalo pa't alam kong dahil sa akin ung mga tawang iyon. It makes me happier than she is.

Umayos kami ng pagkakaupo. Nakaharap sa malawak na karagatan sa tapat ng Salient Soul University. Pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Third year na kami. Isang taon na lang pala at magtatapos na kami ng high school no? Ang bilis ng panahon. Magt-two years na pala kami sa isang buwan.

I can't believe na magugustuhan ko ang babaeng ito. Hindi siya kasing-yaman ng mga nagkakandarapa sa akin. She's practical. But she's sweet enough to make me smile for no reason. Her sweet voice, sweet smile, sweet touches.. Un bang ang pipiliin lang ay ang makasama ako. Not my money, not my car, not even anything. Just me. Just us.

Niyakap ko ang isang kamay ko sa bewang niya at dahan dahan siyang ini-usog papalapit sakin. Matapos nun, nagsalubong ang mga mata namin. Sabay kaming napangiti.

Pero may kakaiba sa mga tingin niya nun.. Parang nangingilid na luha. Tsk, Overthinking na naman siguro..

Pinahid ko iyon gamit ang isa ko pang kamay at saka ako nagsalita, "Alam mo, wala na kong ibang hihilingin pa.. Ito lang ang gusto ko, makasama ka. Araw araw"

Ang corny.. Hindi ako sanay magsalita ng ganito. Pero pag sa kanya nagagawa ko. Ganun pala talaga pag tumibok ang puso no? Lahat ng bagay basta para sa kanya magagawa mo. Un bang kahit para sa kanya ung ginagawa mo, bumabalik sayo ung ligaya kapag nakita mo siyang masaya..

"Oh bakit?" ipinagtaka ko nang umiwas siya ng tingin.

"Ako din. Hindi ko kakayanin lumayo sayo." biglang sabi nito. Napangiti naman ako sa sobrang saya. Ang hirap itago. Shet. Ang lakas ng tibok ng puso ko parang lalabas sa dibdib ko anumang oras. "Kaya nga masakit para sa akin tong gagawin ko" nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Huh?" Hindi ko naintindihan.

"Pwede bang ngayon pa lang tapusin na natin to?" Teka, ano bang meron? Haha, joke ba to? "Mas magandang maaga pa lang – "

"Umuwi na tayo?" putol ko sa sasabihin niya. Ano ba to? Hindi ko magets eh. "Kasi diba ang sabi pag gabi daw may nangunguha ng bata dito pag gabi na, parang ganto oh awoooo!" tapos inangat ko ang kamay na parang multong nananakot ng bata.

"Sail, please naman, hindi ako nakikipagbiruan. Mag-mature ka nga!" Tinamaan ako ng sobra sa sinabi niya. Mukhang hindi na nga maganda ang pinapahiwatig niya.

"Hmm, ano ba ung sasabihin mo?" naglakas loob akong itanong pero mukhang hindi ko kakayanin ang sasabihin niya. "Please, sabihin mo na lahat wag lang ung salitang hindi na kita mahal" Para akong tanga na nakikiusap sa isang tao na sabihing malamig ang kumukulong tubig,

"No, of course not! Mahal kita no" huminto siya saglit. "Pero diba alam mo naman ung pangarap kong makapag-aral sa ibang bansa?"

Oo naman alam ko un. Alam na alam. Wala na siyang ibang binanggit kundi ang tungkol jan. Na kapag nag-tapos daw siya ng high school, lilipad agad sila ng mom niya papuntang Britanya upang mag-kolehiyo. At para sa business naman ng dad niya na malapit din doon. Siya kasi ang magmamana nun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon