Chapter 26: Uncertainties..

20 6 3
                                    

Sephira's POV

        Kinalabit ko sa pisngi sina Clyde at Salient hanggang sa magising sila.

        Mabuti na lang at hindi nagalit ung isang bugnutin—si Soul. Habang si Clyde nagpupunas ng laway na tumulo sa pisngi niya.

        Sa mga oras na ito tumila na ang ulan. Tanging bakas ng presko at mamasa masang hangin ang sumalubong aking mukha pagbukas ko ng pinto.

        "Mauna na po kami" pangiti kong pasasalamat sa matandang manghuhula.

        "O'siya at gabi na. Humayo kayo at umingat sa daan ha?" tumalikod na kami at lumabas pero bago kami makalayo, "Nga pala, iha may ipapabaon ako sayo" nanlaki ang mata ko.

        Hindi ko inaasahan ang iaabot nito sakin.. Kuwintas? "Para saan po ito?" tinitigan ko ang pendant na nakasabit dito. Palaso. Medyo matulis ang dulo nito pero hindi naman yata nakakatusok.

        "You can use it anytime sooner" sabi niya na may nag-aalangang ngiti. Binalewala ko na lang ito; wala na kong panahon para sa guessing game niya. "Clyde ikamusta mo na lang ako sa mama mo ha?"

        Sinukat ko na lang ang kwintas. Nakakagaan ng pakiramdam at parang ang sarap suotin.

        Nagpaalam na kami at nagpatuloy sa pag-alis.

        Bago umuwi, nagrequest si Clyde na dumaan kami sa Cake Parlor para bumili ng pasalubong sa mama niya.

        Nakaka-tempt ang makukulay na cakes. Parang inaakit ako sa langit XD At nakita ko rin ung.. Blueberry Cheesecake!

        "Kayo, anong gusto niyo?" hinarap kami ni Salient at nagulat ako. Ni hindi ako makasagot for a few seconds

        "Libre mo?" napangiti ako. At mas lumapad ang mga ngiti ko nang maningkit ung mata ng bugnuting monggoloid para sabihing tinatanong-pa-ba-yan?

        "Wiiiee! Blueberry Cheesecake sakin!" halos pasigaw kong sabi at napatingin ang lahat sakin sa inasal ko. Waaah wala akong manners. Ung kuya sa isang table nagpipigil ng tawa. Haaaa! Kung pwede lang gumamit ang Invisibility Phase hindi niyo na ko makikita hanggang makaalis kami dito.

        Humanap kami ng pwesto kung saan kokonti ang tao. Masyado akong nahihiya.

        "Wala pa ba ung order natin?" nakasimangot na si Clyde na parang isang linggo nang walang kinakain. Minabuti kong manahimik at baka magjoke na naman ako ng hindi ko nalalaman.

        Habang naghihintay, tinignan ko ulit ung kwintas na suot ko. Mabuti na lang hindi nakakatusok 'to kundi kanina pa bumaon sa dibdib ko.

        A part of me says, Hindi kaya balak akong patayin nung matanda kaya niya binigay to? Pano kaya kung nahulaan niyang madadapa ako kaya pinasuot niya sakin to para direcho saksak sa puso ko?

        Pero baka naman may ibang paggagamitan to?

        "Anong napag-usapan niyo nung matanda?" singit ni Soul.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon