Chapter 15: Unforgettable Tour..

15 5 0
                                        

*settings: Southern LunarSoul's Kingdom

Sephira's POV

        "Ayan, wala na po ang lapnos sa balat n'yo" sabi nung Class A sorceress na ipinadala ni Chrome para gamutin ang sugat ko. At totoo nga, wala na akong nararamdamang hapdi sa binti ko na kanina lang ay halos ikamatay ko. "mauna na po ako miss-?" pagtigil niya sa sasabihin na tila tinatanong ang pangalan ko.

        Nasa mid 50's na ang edad niya pero kung maka-"po" daig pa ang bata. Senyales ito ng paggalang sa bisita ng pinaglilingkuran.

        "Sephira p-po" pag aalangan ko. Di ko alam kung makiki-"po" din ako. Pero since mas matanda siya, I managed to say "po" at "opo".

        "Miss Sephira. Kasing ganda nyo po ang pangalan nyo" papuri niya sakin nang di ko inaasahan.

        "Ah - ha? Ano, hindi naman po masyado" at payuko akong ngumiti. 'Asus naman si manang nambola pa XD' sabi ng utak ko.

        "He-he, osige maiwan ko na po kayo at may mga bagay pa akong gagawin. Kung may iuutos po kayo o ipapagawa, malaya nyo akong ipatawag."

        "Salamat po," saad ko. Nag-bow siya sa harapan ko bago umalis at naki-yuko din ako.

        Nang maiwan akong mag-isa sa silid ay kinapa ko ang binti ko. At wala akong nakapa anumang bakas ng pagkasunog. Tumayo ako at naglakad lakad sa malawak na kwarto. 'Ang galing. Parang magic!' sabi ng isip ko. 'Eh diba? Totoong magic yan?!' sabat ng alter ego ko. Enebeyen? Nag away pa -,-

        Nagawi ako sa balkonahe at tinunghayan ang napaka-gandang view sa labas. Mula dito sa taas ay makikita ang napaka-lawak na circular Maze Garden na nakapalibot sa buong kaharian—that serves as the protection of the Castles. Nililito nito ang mga kalaban para mahirapang makalapit sa kaharian. Sa tantya ko may kataasan ang mga pader nito na lampas tao. Sa ibabaw ng bawat harang, may mga nakatanim na mapupulang rosas. Ang gandang tignan ng magaling nitong pagkakagawa.

        Nang mapagod akong i-solve ang puzzle ng maze garden na hindi ko alam kung may tamang daan ba talaga papunta sa kastilyo, tumingala ako sa kalangitan. Masusulyapan ang mga bituin na parang glitters sa dami at angking kislap— sa dami nila na akala mo'y tanaw mo na ang buong Milky Way galaxy. Pero hindi lang iyon. A breathtaking portrait of Jupiter and Saturn that serves as the secondary moon shining it's light coming from the sun. Sobrang lapit lang nito dito na tila abot-kamay ko na kapag tumalon ako.

        A very enticing view na akala ko sa panaginip o internet ko lang makikita. Pero heto ako ngayon, ineenjoy ito. Napaisip tuloy ako. Malamang ito ang dahilan kung bakit marami sa mga nawawala ay hindi na nagnanais bumalik pa sa mundo natin.

        Nilasap ko ang malamig na hanging sumisipol sa paligid. Ihiniga ko ang ulo sa mga palad na nakapatong sa hawakan. Kapag ganito kaganda ang scenery, it's either makakalimutan mo ang lahat ng problema mo or masarap itong lasapin at maging emotional.

Secrets of the Southern IslesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon