Chapter 23: The Left Alone..

10 5 4
                                    

Queen Victoria's POV

        The meeting went on. Mga ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis si Chrome. At hindi ako mapakali. Matapos kasi ang malakas na pagsabog kanina, wala na akong ideya sa nangyayari sa labas.

        But a part of me says, my daughter is okay. Maybe my senses learned how to betray.

        I can't stand this. I turned to King Castiel, my husband. "Honey, I'll just go to the Comfort Room."

        He nodded. "Don't take so much time"

        Hindi niya ako pinigilan gaya ng pagpigil ko kay Chrome dahil kilalang kilala niya na 'ko. Kaya kong protektahan ang sarili ko bilang isang SpellCaster.

        Chrome is our only daughter kasi na ipinagkaloob sa amin ng Diyos through the Tower of Elysium. That's why I can't afford to lose her life.

        Naabutan ko itong nakangiti sa kawalan. Napakunot ako ng noo. 'Hindi ba't kanina lang, napaka-worried ng expression niya para suwayin ako?! And now she smiles like daydreaming? Kailan pa siya natutong magsinungaling?!'

        Agad ko siyang tinawag dahilan upang mabigla siya at tila nagbalik sa blank ang expression niya. "Akala ko ba't hinahanap mo ang kaibigan mo?" panimulang tanong ko.

        Hindi siya nakasagot agad. "Ah-eh Mom," humuhugot pa siya ng sasabihin. Weird.

        "Nasaan na sila?" pagbanggit ko. Pero teka, mukhang may kakaiba talaga.

        "Ah, un nga mom eh, hindi ko pa sila nakikita. Kanina pa ako paikot ikot dito oh" medyo utal niyang sabi. "S-sige po mauna na ko"

        At tumalikod na si Chrome saka lumakad palayo. Napansin kong kakaiba ang way nang paghawak niya sa setro niya. This was so unusual.

        I whispered in the air to chant a spell. But to my surprise hindi ito gumana. Dahil sa katandaan, hindi ko gaanong mawari kung totoo ang aking nasaksihan.

        A black shield rappelling my magical will's effect.

Chrome's POV

        She's gone. Ang impostor. Kaya itinigil na namin ang kunwariang laban ni Walden. Inalalayan niya akong tumayo at magpagpag. Nadumihan ng kaunti ang suot ko.

        Natawa na lang ako sa isip nang maalala ang pagka-kampante ng impostora sa laban namin. Ang akala niya, napaamo niya si Lionheart. 'Di ba niya alam na naging routine na namin ni Walden ang mag-digma o magbangayan sa tuwing magkikita? Oo, normal na sa'min un.

         Pero hindi ko ito inintindi, may mas mahalagang bagay pang dapat unahin.

        "Sigurado ka na ba kung saan natin sila matatagpuan?" napahinto ako sa paglakad nang nagsalita si Walden, "Paano kung may makasalubong na naman tayong PureOne?"

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon