Chrome's POV
"I object" Councilman Enma Shimon, ang Emperor ng Gatekeepers ay nagsalita na. "Hindi nyo pa maaaring ipasa ang trono sa tagapagmana, mahal na hari"
Kumabog ang dibdib ko sa pagtutol nito sa pagpapasa sa akin ng trono.
"Pero bakit?" nanlaki ang mata ng hari, pero wala siyang magagawa, kailangan pa ring pakinggan ang kabilang panig. Kaya wala siyang ibang nasabi kung'di "Objection overruled. Explain your side Mr. Emperor"
Apat na araw nang nakalipas mula nang sugurin kami ng mga PureOnes. Marami ang sugatan at may mga nagbuwis din ng buhay – mabuti na lang at kakaunti lamang ito, dahil ang lahat ay dumaan sa matinding pag eensayo. Napunan nito ang kakulangan ng lahi namin.
Kasalukuyan kaming nasa Meeting Hall para talakayin ang desisyon ng aking ama na ipasa na sa akin ang trono. Namintig ang tenga ko sa pagtutol ng Emperor. Mukhang may matinding paliwanag ang Emperador upang hindi sang-ayunan ang bagay na ito. Siguraduhin niya lang na tama ang sasabihin niya kundi sisibakin ko siya sa pwesto niya kapag naging Reyna ako. Dejoke lang, bad un.
"Hindi pa ito kakayanin ng Prinsesa. She's not yet in the legal age. Still Immature." A statement that broke me into pieces. Oo alam kong wala pa ako sa tamang edad para mamuno, pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko pa kayang gumawa ng mga konkretong desisyon.
"How could you define Immaturity, Mr. Emperor?" SilverCoin, a pro, interrupted as the GateKeeper took a pause to pick the right words to explain the anti-side. "Deficiency in Age? Experience? Skills?" he made everyone amazed as he let those words. Hindi naman sa pina-panigan ko siya dahil pro siya, pero tama naman diba. Age doesn't define maturity, even oldies can make mistakes. They are just afraid of saying sorry kaya yan ang sinasabi nila para masabing tama sila, na matured na sila, at hindi daw natin sila maiintindihan.
But SilverCoin's interruption gave the Emperor a hint para mapatunayan ang side niya. "What I'm saying is the importance of decision-making, your highness." Referring to my dad, "Chrome chooses the wrong path in activating the Seismic Spell"
What?! halos napatayo ako sa upuan ko at muntik na kong magreact. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Ang hirap ng kalagayan ko. Para akong suspect na nililitis sa harap ng husgado. Isang nagkasala na hindi naman lumabag sa anumang karapatan. At ang matindi pa hindi ako maaaring tumayo upang ipagtanggol ang sarili ko. Dahil mapapatunayan ko lang sa sarili kong immature ako kapag hindi ko tinanggap ang judgement ng iba!
"She may have the will to save our kingdom against the PureOnes. Pero mas mataas ang porsyentong maging mas komplikado ang lahat." I listened carefully. As he walk here and there making statements "Malawak ang area na aabutin ng Spell at alam natin ang epekto nun – ang kitilin ang buhay ng mga hindi Lunar Souls – oo, maaaring ligtas tayo at ang iba pa, pero paano ang mga neutral elements? Kapag na-istorbo ang pananahimik nila, maari silang gumanti. Mas lalaki ang tyansa na makalaban natin sila sa halip na maging ka-alyansa."
Huminto siya sa pagsasalita. At sa isip isip ko, sana ay itigil niya na. Nakaka-guilty pero tama siya. Bakit hindi ko muna iyon naisipan?
"Mabuti na lamang at nariyan si Cynus Black" he continued killing me with his words. "Dahil sa kanyang kapangyarihan, napigilan ang Spell."
Ngayon ko lang narealize. Ang Seismic Spell ang pinakamalakas naming panglaban, at wala nang ibang pwedeng mag-activate o mag-deactivate nun kung'di ang may hawak ng Setro – ako – pero nagawa niya iyong ideactivate dahil kalahati na lang ang lakas ni Orion, at ang isa pang kalahati ay nasa akin. Labing anim na taon nang nakalipas ng ipanganak ako. Ako ang kalahati ng Orion Seed. Utang ko rito ang buhay ko. Sa madaling salita, ang Orion Seed at ako ay iisa. Magka-parte.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...