*setting: Tower of Elysium
Sephira's POV
Pinagmasdan ko ang paligid. Matayog ang sikat ng araw at masasabi kong nasa alas nuwebe o alas dyis na. Nilasap ko ang maaliwalas na hangin na walang bahid ng polusyon. Matatanaw sa baba ang village at ang kabuuan ng malawak na labyrinth. Sa ibabaw namin, mga 35-50 metro ang layo ay may nakahimlay na ocean-blue Core na parang bolang tubig na lumulutang sa hangin. Bahagyang mas malaki ang diameter ng spherical figure nito kaysa sa diameter ng mismong tore. Parang planetang Neptune na naka-steady sa ibabaw namin.
Nakatingin ako sa batang nagdala sakin dito sa pinakamataas na parte ng Tore. Nasa mga edad 8-12 siya sa tingin ko. Napansin ko ang 'X' na peklat niya sa kaliwang pisngi na halatang gawa ng isang latigo. Pero sa kabila ng markang naiwan sa kanya, di ito kakikitaan ng kalungkutan. Ang gaan niyang tignan na parang hindi gagawa ng masama. Nakasuot siya ng green na faded shirt na pinapatungan ng brown na blazer. Naka-green cap siya sand-brown shorts at brown shoes. May hawak siyang paper bag na may lamang tinapay.
"Ayos ka lang po ate? Hindi ka ba masyadong nasaktan nung masungit na un?" saad nito na tila minsan nang nakasalamuha ang babaeng si Urihime. Tumango lang ako bilang pagsang ayon "bago lang po kayo dito no?"
"Ano hong pangalan nyo?"
"S-Sephira," pag-aalangan kong sabihin ang pangalan ko pero dahil magaan sa loob siyang kausapin, "pwede mo akong tawaging Ate Sephi"
"Ako nga po pala si Clyde Garnette, nakatira sa village ng kaharian. Magsasaka ang tatay ko at mananahi ang nanay ko. Naninilbihan ako sa kaharian bilang taga-deliver" Masayang banggit ng bata sa akin.
"Ganun ba? So ginagamit mo ang kapangyarihan mo para maghatid"
"Opo! Halos nalibot ko na nga po ang buong palasyo eh. Paglaki ko gusto kong maging GateKeeper o kaya SoulStealer!"
"Ito nga pala ang Tower of Elysium na mas kilala bilang Highest Order." nagpatuloy siya. "Nakakasagap ito ng panganib at nagiging aktibo kapag may mga kalaban" tumingin siya sa Ocean blue Core at saka nagsalita ulit "Sa Elysium na iyon nahihimlay ang Spirit ng great protector na si Orion Seed" patukoy niya rito.
Kung ganoon ang Blue Core ay hindi lang basta nagbibigay protection sa kaharian, ito ang buhay nilang lahat. May nabasa ako noon tungkol sa isang Mystical blue ball na nasa kalagitnaan ng karagatan. Lahat ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid na dadaan malapit dito ay naliligaw patungo sa ibang dimension dahil sa lakas ng magnetic pull ng Elysium Core. Kaya pala maraming insidente ng mga barko at eroplano na bigla na lang nawawala ng parang bula.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...