*setting: Sephira's Appartment
Sephira'sPOV
"Uhm" Nag unat unat ako bago tuluyang buksan ang mga mata ko. Napasarap pala ang tulog ko at Alas siyete y media na. Naghahari na sa kalangitan ang maliwanag na buwan. Sa tingin ko nakabawi na ako ng tulog, pero hindi pa ako bumabangon sa kama ko kasi nakakatamad pang kumilos.
Babalik sana ko sa pagkakahimbing kung hindi lang nagwala ung mga alaga ko sa tiyan. Oras na pala para kumain. Hindi rin sapat ang kinain ko kaninang tanghalian. Haayy, makapagluto na nga.
Bumaba ako sa kusina para maghanap ng pagkain. At ayun! Wala nga palang laman tong ref, di pa ko nakakabili. "Tch kung kelan naman nagugutom ako oh!" pagwawala ko. Teka, kelan ba ko hindi nagutom? XD
Naghilamos muna ako tapos umakyat na ko sa kwarto para magbihis at kumuha ng pera. Sa fastfood na lang nga ako kakain. Nitatamad talaga ko magluto eh.
Pagkalabas ko, nilock ko ung gate, pero iniwan kong nakabukas ung bintana at ilaw ng kwarto ko. Siguro naman walang magnanakaw jan no? Ano namang mananakaw nila? Baka mag iwan pa nga ng pera eh XD
Matapos akong umorder ay humanap ako ng mauupuan. Pero wala nang bakante, oras na kasi ng hapunan at marami talagang tao. Napagpasyahan kong maupo sa center table, ung table na para sa maramihang tao o kaya sa mga walang kasama.
Hayst nakakailang talaga kumain sa maraming tao gaya nito -_- Pakiramdam ko pinag uusapan ako. May ilan naman titngin sa direksyon ko tapos tatawa, ung totoo? May mali ba sa itsura ko? o mukha akong broken hearted dahil feel ko ung background music? tsk. Hayaan na nga lang sila, jan sila masaya eh.
Mas minadali ko ang pagkain para makaalis na ko sa lugar na to. Nang matapos ako, dumiretso ako sa C.R para mag ayos. Wala namang dumi sa mukha ko ah? Cute nga eh, haha joke XD
Bago umuwi, dumiretso ako sa supermarket para bumili ng pagkain. Mahirap na baka magkaroon na naman ng tag-gutom..
---
Kasalukuyan kong ineenjoy ang paglalakad pauwi. Nilanghap ko ang sariwang hangin na para bang normal ang lahat. Di alintana ang panganib na nasa paligid - ang isa isang pagkawala ng mga Graduating Students. Tiningnan ko ang kagandahan ng maliwanag na buwan at tila ba nakita ko ang aking pangarap. Ito lang ang masasabi ko. "Makaka-graduate ako nang walang masamang nagyayari sakin." bulong ng utak ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako malapit sa appartment ko. Ngunit napatigil ako. Ayan na naman siya. Ang babaeng naka-itim na kapa. Nakatayo sa harap ng bahay at nagbabantay. As usual nakasuot sa kanya ung hood nya kaya hindi ko sya makilala pero sa tingin ko, mas matangkad ako ng kaunti sa kanya. At isa pa, sa tingin ko hindi ito ung parehong dalaga na madalas kong nakikita.
Tahimik akong naglakad sa may gilid at dumiretso sa bakanteng lote sa tapat ng bahay ko at nagtago para pagmasdan ang gagawin nya. Maaaring panahon na rin ito para makahuli ako ng isa sa kanila at matapos na ang mga kababalaghang ito.
Isa lang ang alam ko, tila isang babala ang pagpapakita nila - babala na may isa na namang mawawala. Ngunit sino naman ang susunod? Kaibigan ba sila o kaaway? Bakit naman kasi magpapakita sila para lang sabihing may isa na naman silang kukunin diba?
Tahimik akong nagmatyag. Pero parang pinakikiramdaman lang nya ang paligid. Hindi nya kasi itinaas ang kamay nya kagaya ng madalas na ginagawa ng mga kasama niya.
Nagulat ako nang biglang may babaeng humila sa likod ko at tumakip sa bibig ko para hindi ako makapagsalita. Ang higpit nyang humawak. Nagpumiglas ako para makawala sa hawak nya. Pero wala akong magawa lubhang mas malakas siya kesa sakin. Nakalock ang kanan kong kamay sa likod kaya hindi ako makapalag. Dali sali kong binalik ang tingin sa babaeng naka hood ngunit wala na sya sa harapan ko. Hindi kaya siya ang nasa likod ko ngayon?
"Hmmmm! Hmmmm!" pagpupumiglas ko at pilit na pagsasalita kashit pa nakatakip sa bibig ko ang kamay nya. Hindi ito pwede. Ako na ba ang susunod nilang biktima? Hindi, hindi ako papayag. Marami pa akong pangarap!
"Araaay! Ahh!" sigaw nung babaeng nasa likod ko nang natapakan ko ung paa nya. Hindi siya ung babae kaninang naka-kapa. Gayunpaman, nanlaki ang mga mata ko nang tila ba nasigurado sa kung sino man ang nasa likuran ko.
---
"Ms Aria?!" bigkas ko sa kanyang pangalan. Hindi maaari, Katapusan ko na ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/18756038-288-k756877.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mistério / SuspenseThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...