Chapter 19: The Awakening Ceremony..

25 6 4
                                    

Three days earlier..

Someone's POV

        Madilim na paligid. Isang lupain na tila hindi kayang abutin ng liwanag ng buwan. Mga patay na puno, na tanging mga tuyong sanga na lamang ang natitira. Isang kagubatang nababalot ng makapal na hamog. Ang nagsisilbing liwanag sa kagubatan ay ang maya't mayang pagkidlat sa nagngangalit na ulap pero wala itong dalang likido na didilig sa kakahuyan.

        Nakaupo ako sa ugat ng isang malaking puno na sa tingin ko'y daang taon na ang edad. Maya't maya ang kamot ko sa likuran dahil sa pangangati na ang sanhi ay ang itim na cloak na suot ko. Isang SoulStealer's get up. Gusto ko man itong hubarin, ay pagti-tiyagaan ko na lang kaysa sa magyelo ako sa lamig ng hanging dumadampi sa paligid. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa mahaba Hana kong buhok na abot hanggang aking likod.

        Kaharap ko ang isa pang babae na aking kasamahan. Gaya ko na nasa edad 18-19. Nakasuot ito ng isang mamahaling gown na kagaya nang sa prinsesa ng Southern LunarSoul's Kingdom. Sinusukat niya sa ulo ang isang tiara na gawa sa ginto at napapalamutian ng diamante.

        "Bagay ba?" tanong nito sa akin na hindi ko naman sinagot. Bakit? Dahil isa siyang uri ng ShapeShifter na kayang manggaya ng anyo ng isang tao at magagawa niyang bumagay ang anumang kasuotan sa kanya. "Dark Mist Materialize!" sigaw niya at saka nabalutan ng itim na usok.

        Namangha ako nang mahawi ang mga ito dahil ang naiwan ay isang dalagang kamukhang kamukha ni Chrome. "Excited na ako sa gagawin natin" exaggerated na saad nito habang pa-cute pang nagposing.

        "Mabuti at handa na kayo" sabat ni Darkness Frost, na nakaupo sa sanga ng punong kinauupuan ko. Nilalaro nito ang Tenebrous Globe—ang pinakamalakas na Bermudan Rare Item na nangangailangan ng malakas na will para mapasunod. Bahagyang mas maliit lamang ito sa size ng bola ng volleyball. Palutang lutang ito sa ere dahil sa pagkumpas na ginagawa ng kamay ni Darkness Frost.

        Siya ay isang RoyalBlood. Sa totoo lang, baguhan lamang siya noon at ni hindi alam ang tungkol sa kapangyarihan. Napadpad siya sa Bermuda dahil sa pagcrash ng eroplanong sinasakyan niya. Nang malaman ng reyna na isa siyang RoyalBlood na may kakayahang mapasunod ang Tenebrous Globe, hindi na ito nagdalawang isip na gawing tagapagmana. Mas pinili niya siya kaysa sa akin na siyang pinakamalakas nitong tagasunod.

        Ibinuka ko na lang ang palad at nagpalabas ng itim na abo na nagkislapan sa hangin na parang paputok dahil sa angkin nitong ibat ibang kulay.

        Isa akong BombStarter na may kakayahang gumawa ng isang malakas na pagsabog. Hindi naman sa pagmamayabang ha, but I can deploy massive amount of explosions gamit lamang ang isip.

        'Kakayanin ko to' pilit ko pang kinumbinsi ang sarili para mawala ang kaba. Kaming tatlo kasi ang naatasang gawin ang pinaka importanteng misyon—ang patayin ang susunod na tagapagmana ng Southern Soul Kingdom, walang iba kundi si Chrome Voltaire.

        Oh what a poor heiress, hindi man lang masusubukan magpatakbo ng sariling kaharian. Sa totoo lang may awa ako. Naaawa ako sa kanya sa gagawin ko dahil hinding hindi ako mabibigong paslangin siya.

        Kami ang pinakamalakas na grupo ng Bermuda Triangle o mas kilala sa tawag na PureOnes. Maghanda ka na Chrome. Soon, your grave ashes will be my next fireworks entertainment.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon