Chapter 30: The Runaway Heiress..

9 1 0
                                    

Salient's POV

"Gatekeepers Armory" the signage indicates. Dito kami iniluwa ng Portal na pinasukan namin mula sa Raiderscale Town.

This was an overlooking tower that can see almost everything within the kingdom.

"Grraaaaaahhh!!" An unexpected growl roamed the whole kingdom. From this point kitang kita ko kung saan nanggagaling ang ingay, it was from Necromanced Soldiers summoned by the enemies. They are about to enter the kingdom through the Labyrinth. Madaling ma-distinguish ang mga ito dahil sa putik putik ang mga kasuotan nila na parang mga Spartans.

And as a soon to be LunarSoul, kailangan mag-contribute kami sa labang ito.. Hindi ako papayag na ubusin nila ang natitirang lahi ng LunarSouls. The extinction of their clan means the extinction of the good. Evil will take place.

Papaubos na ang mana ko dahil hindi ako nagkaroon ng oras para makapag-regenerate. Everytime I open a portal to the other dimension—either magsa-summon or magpapabalik ako ng Soul—nababawasan ang mana ko ng ilang porsyento. Pero mas marami akong nagamit noong ibalik ko si Ms. Aria sa tunay nyang katauhan. Sa kabuuan, isa o dalawang soul na lang ang kaya kong palabasin sa ngayon.

Binuksan ni Ice Maiden ang pinto papasok sa Armory. "Whoooah"  A total amazement escaped through my mouth. Bumalandra sa amin ang iba't ibang uri ng armas na naka-display sa buong silid. This was my first time to see real weapons. And to use them was a great priviledge.

At this time, pinili kong ilabas sa portal nila sina Urihime at Ceres. Since hindi naman sila talagang under ko at pagmamay-ari sila ng LunarSoul's Kingdom. Para na rin makapili sila ng armas na gagamitin at makakatulong sa amin sa laban.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Sephira nang palabasin ko ang dalawa. Kaya habang pumipili siya ng sandata ay nilapitan ko siya.

"Ah, may napili ka na ba?" Pagsimula ko

"Wala pa nga eh, masyado naman kasing mabigat kung *kuha ng katana* eto ang pipiliin ko." Angal niya "Tapos kung machine gun naman, ubos na ung bala hindi ko pa naitututok sa kalaban, tapos maingay pa" dugtong niya.

May punto siya. Kung lalaban ka, dapat ang dala mo lang na weapon at ung kaya mong bitbitin ang confident kang gamitin. Aha! May naisip ako.

"Eto na lang ang gamitin mo"

"Bow and Arrow?"

"Yup. You will stay behind me to back me up. Kapag may aatake sakin na hindi ko nakikita, ikaw nang bahala :)"

"Ooooh.. Ok sabi mo eh" at kinuha niya na sa kamay ko ang pana at palaso. Napanood ko na kasi siyang mag-archery lesson sa P.E. at kampante akong magagawa nya iyon. "Wait, pa'no kung maubusan ako ng palaso? Ah alam ko na," kumuha siya ng isang dagger at ibinelt sa bewang niya ang sisidlan nito.

Ako naman, kumuha ng Medyo malaking Espada. Sakto lang ang bigat nito at kaya kong iwasiwas sa hangin. Since may pagka-injured pa ang isa kong braso dahil sa pulburang pinasabog sa akin ng babaeng PureOne, isang sandata lang ang kaya kong dalhin. Pero hindi naman na ito masakit dahil ginamot ito ni Mrs. Garnette.

"Handa na tayong lumaban." Bigkas ni Ice matapos kumuha ng ilang Shuriken then belted it on her waist. "Huling bagay na lang, hindi dapat mawala ang Armor na susuotin natin"

Wait, armor? Pero wala naman akong nakikitang kahit anong panangga na pwede naming isuot. Puro sandata at patalim lang ang nakikita ko dito at ilang..

Kwintas? Tama kwintas ang mga iyon na may empty socket. Mistulang maliit na kadena ang sabitan nito at may brown colored pendant na pinaglalagyan ng isa sa iba't ibang kulay na gems. Looks like vintage. Elegant.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon