Chapter 10: Night of the SoulStealers..

20 6 0
                                    

*setting: Southern Soul University

Chrome Voltaire's POV

        Kanina pa ko naglalakad sa campus ng SSU pero hanggang ngayon di ko pa rin makita si Sephira. Ba'yan? San naman nagpunta ung babaitang un? Kanina pa ko hindi kinikibo nun eh, ano kayang problema?

        Sinubukan kong puntahan sya sa tambayan namin, ung bench sa may dalampasigan, pero wala siya dun. Kaya napagpasiyahan kong bumalik ng school upang doon sya hanapin.

        Nang makita ko si Salient, tumakbo ito papunta sa direksyon ko para magtanong, "Nasaan si Sephira? Nakita mo ba siya?" mabilis niyang sabi. Pansin ko ang pagmamadali niya. Ano naman kayang dahilan para hanapin niya ang Bhesty ko? At, bakit siya nagmamadali? *Ahem XD

        "Ah, hindi eh, kanina ko pa rin siya hinahanap. Bakit, anong kailangan mo sa kanya?"

        "W-wala naman," utal niyang sabi. 'Hmm, wala daw, *ehem, ayaw pang ipaalam?' "Sige, Chrome ah maiwan na kita" saka siya nagmamadaling tumakbo papuntang guidance na hindi man lang hinihintay ang pagpapaalam ko rin.

        'Oh, bakit sa guidance papunta un? Sa tingin ba nya maabutan niya dun si Sephira? Ano tingin niya sa Bhesty ko, sintu sinto?' sa isip isip ko.

        Pumunta muna ako sa canteen para kumain saglit at saka ko napagpasyahang pumunta na lang sa bahay ni Sephira. Malamang doon lang didiretso un, hindi naman gala un eh.

        Pag kaliwa ko sa likuan papunta sa bahay ni Sephira, naabutan ko si Salient sa tapat ng gate. Chine-Check ung address kung tama ba ang napuntahan. Malamang kaya ito pumunta sa guidance para tignan ang record ni Sephi, ahh kaya naman pala.

        Hindi nito napansin ang paglapit ko, at ako naman hindi nagpakita sa kanya. Hinintay kong siya ang tumawag kay Sephira. Pero parang may hinanap ito sa gilid ng pader. Pinindot nito ang doorbell. Paulit ulit, pero hindi naman gumagana. Malamang, hindi na nakasaksak -,-

        "Ahem, walang doorbell jan" bakas ang gulat sa mata ni Soul sa pabati ko, "matagal nang di nakasaksak"

        "Anong ginagawa mo dito?!" chorus naming tanong sa isa't isa. At sabay kaming natahimik upang hintayin kung sino ang unang magsasalita.

        "Bahay to ng bhesty ko eh," ako na ang naunang sumagot, "Eh, ikaw anong ginagawa mo dito?" at binigyan ko siya ng mataray na tingin.

        "Ah ano, wala napadaan lang ako, pauwi na rin ako eh" palusot niya.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon