Chapter 7: Discoveries..

41 8 1
                                    

Sephira's POV

        Nang ma-diskubre kong tama ang pagkakakilanlan ko sa taong may hawak sa mga kamay ko, mas lalo akong nagpumiglas. Anong balak gawin sakin ni maam? Hindi kaya - Kung hindi ako nagkakamali, hindi magkaparehong tao ang lagi kong nakikita dito sa taong kanina lamang ay pinagmamatyagan ko. Ibig sabihin, pinlanong ipain ang sinumang nasa likod ng mga kapang iyon upang maisagawa ng perpekto ang pagdukot sa akin.

        'Tshh! Antanga tanga mo talaga Sephira! Hindi ka nag-iisip! >.< Bakit ngayon lang pumasok sa utak ko un?!'

        Pero naisip ko rin, ano naman ang gagawin sakin nila Ms Aria matapos ang gabi ng pagdukot sa akin? Masyado na ba akong maraming nalalaman upang wakasan na nila ang buhay ko ng ganto kaaga?

        'Please lang Sephira, wag kang papayag! Kanina lang nangako ka sa sarili mong hindi sila magtatagumpay sa pagkuha sayo diba?' Tama. Hangal lang ang namamatay nang walang laban.

        Gagamitin ko ang pagkakataong ito para makatakas. Hawak ako ni Ms Aria mula sa likod kaya't tuloy tuloy akong umatras patungo sa punong nasa likod namin. Nauntog dito ang likod ni maam at tulyan nya kong nabitawan. Kaya't nakita ko syang bumagsak, pero nakakatayo pa rin kahit papaano. At laking gulat ko nang -

        Makitang hindi suot ni maam ang isang kapa na kagaya dun sa babae. Nagdalawang isip akong pagbintangan si maam na kakampi nila. Pero sa tingin ko, malamang sinadya niyang ibahin ang suot nya upang walang makapansin. Isa pa, kung sakaling mangyari ang mga bagay na gaya nito, hindi ko sya mapagbintangan.

        Kinakabahan dahil sa takot, iniwan ko na siyang nahihirapang tumayo doon at dali daling tumakbo paalis kung saan. Dire diretso. Lumiko kung saan saan. Walang tiyak na patutunguhan. Lumingon ako ngunit walang bakas ninuman na sumusunod sakin.

        Nasa harapan ako ng isang malaking bahay. Isang malawak na Mansyon na sa tingin ko ay pag-aari ng pamilyang Soul. Dito ako dinala ng sariling mga paa. Kamangha mangha sa labas pa lang. May itim itong gate at matataas na bakod ngunit hiwa hiwalay ang mga bakal na bakod kaya nakikita ko ang kagandahan ng mansyon. Sa itaas ng gate, nakaukit ang logo ng dalawang "S" na magkabaliktad. At sa magkabilang gilid nung logo, nakasulat ung meaning ng dalawang "S". "Southern" ang nasa kaliwa, "Soul" naman ang nasa kanan.

        "Southern Soul" Mahinang basa ko. Iniikot ko pa ang mga mata sa paligid ng bahay. Sa gilid ng gate ay ang dalawang puting pillars na humahawak dito. Sa taas ng isang pillar ay may estatwa ng isang lalaking may pakpak at naka-posture na parang lilipad. Nakahawak ito ng isang bolang Crystal na may tubig sa loob. Nasisinagan ito ng ilaw at nagsisilbing refractor kaya lumiliwanag ang paligid. Nakaharap ang lalaki sa kabilang estatwa. Estatwa ng isang sirenang nakaupo sa bato at sa itsura nito na parang kinikilig. Maganda ang babae at bumagay sa kanya ang magandang Pendant na suot nya. Sa gitna ng kwintas nito ay isang laser pointer na may malakas na liwanag. Kung ganoon dito pala nanggagaling ang liwanag na isinasabog ng Crystal ball.

        Tuluyan akong namangha. Gusto ko pa sanang titigan ang paligid per may narinig akong kaluskos mula sa likod. Malamang nasundahn na nila ako. Pero saan ako tatakbo,para magtago?

        Hindi ko na alam ang pumasok sa utak ko at lumapit ako sa gate. Bahagya itong naka-bukas. Dahan dahan kong itinulak at mabuti na lang wala akong narinig na tunog mula sa gate. Nang eksakto na para sa akin, nagmadali akong pumasok. Wala akong nakitang guwardiya na nagbabantay. Maaaring nag iikot ikot pa ito.

        Napahiga ako sa damuhan sa gilid ng mga halaman nang may marinig na naglalakad papalapit. Hindi ito isang guard sa pakiwari ko. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para tignan kung sino sya pero huli na ang lahat dahil wala na ito sa paligid.

        'Hayy naku Sephira, ano, katangahan na naman? Eh kung may makakita sayo at kasuhan ka ng tresspassing? -_- Di ka nga namatay nabulok ka naman sa kulungan!'

        Buo na ang loob ko at napagpasyahan kong mag ikot ikot. Confident akong walang makakakita sa akin. Bakit? Wala lang haha basta. Magaling lang ako magtago.

        Naglakad ako paikot hanggang marating ko ang isang magarang kwarto. Mula dito sa garden, papasok ka lang sa isang glass door at nasa kwarto ka na. Sa tingin ko kwarto un ni Salient. Hanep, ang yaman talaga.

        Nakita ko kasi siyang nakatayo doon at nakatitig sa kawalan. May binabasa yata? May hawak kasi syang kung ano eh. Newspaper? Isang dyaryo ang hawak nya. Nakita kong nabitawan ang dyaryo at may tumulong luha sa mga mata nya, marahil siguro sa kung anong nakasulat sa dyaryo kung bakit sya naging emosyonal.

        "S-Salient" Mahinang sambit ko na ako lang ang nakarinig. Gusto ko syang damayan pero hindi pwede! Magtataka sya kung anong ginagawa ko at kung bakit nandito ako. Napaatras ako at tumunog ang paghakbang ko kaya't napatingin si Soul sa direksyon ko. Patay! Paano ako nyan?

---

"Kailangan kong makaalis dito nang hindi nya mapapansin. Pero paano?!"

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon