Sephira's POV
Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama ko para magpahinga. Umalis na din ako agad sa mansyon ng mga Soul bago pa may makapansin sakin. Ngayon ko lang nakita ang ganung side ni Salient. Malungkot siya. Kadalasan kasi wala siyang emosyon at parang walang pakialam sa mundo. Pero deep inside, may damdamin parin siyang nasasaktan.
Natigil ang pag iisip ko nang dahil sa isang malakas at matinis na tunog na narinig ko. Napasilip ako sa bintana at pilit na hinanap ang pinanggagalingan ng ingay. Nakapagtataka lang at mahimbing pa rin ang tulog ng mga kapitbahay. Hindi ba nila naririnig un? Ang sakit sa tenga >.<
Naituon ko ang paningin ko sa direksyon kung saan naroroon ang dalampasigang katapat ng SSU. Hindi tanaw mula rito ang beach pero masasabi kong sa direksyong iyon nanggagaling ang matinis na ingay. Itinakip ko na lang ang mga kamay sa magkabilang tenga upang hindi mangilo.
Naagaw ng isang lalaki ang atensyon ko. Naglalakad ito sa gitna ng daan na para bang may gustong puntahan. Dahil sa pa-gewang gewang nyang paglalakad, malalaman mo na agad na wala sya sa sariling pag-iisip. Pinilit kong kilalanin ang itsura nito, at laking gulat ko nang malaman na kamag-aral ko ang isang ito. Muntikan na akong mapasigaw buti na lang at naiharang ko agad ang isang kamay sa aking bibig.
Patuloy kong pinagmasdan ang susunod na mangyayari. Huminto ito doon mismo sa madilim na parte ng kalye at saka lumabas ang isang babaeng naka-itim na kapa at hood. Namukhaan ko ito - siya ung babaeng laging nagpapakita sa akin tanda ng may isa na namang mawawala. Tila alam nitong nakamatyag ako dahil bahagya siyang lumigon sa direksyon ko at ngumisi sa akin. Saka ito nagpatuloy sa paglakad palayo at sinundan naman nung lalaki na nasa ilalim ng hipnotismo.
Saka lamang tumigil ang matinis na ingay sa paligid. Tila padalas ng padalas ang pagkuha nila.
Kinabukasan, agad na kumalat ang balita tungkol sa lalaking nawawala. Marami ang nagtataka sa biglaang pagkawala nito. Nasaksihan ko man ang buong pangyayari, natakot akong ipagkalat ito dahil alam kong wala namang maniniwala. Maging kay Chrome ay itinago ko ito.
Susunod na subject na namin ang Physics. At wala akong balak pumasok doon. Hindi naman sa nahihirapan ako sa subject na ito, ayoko lang na muli kaming magkaharap ng guro na si Ms. Aria Hypnos. Ngayong may duda na akong isa siya sa mga may pakana ng kidnapping, kailangan kong mag-ingat; anong malay ko na hindi lang siya ang nag-iisa sa school na ito at marami pang ibang teachers?
"Ms. Firestone" may narinig akong tumawag sa akin mula sa likod. Masyado itong mahina kaya't hindi ko nakilala kung kanino ito nanggaling. Aakalain ko pa ngang guni guini ko lang. Nang lumingon ako, takot ang muling bumalot sa aking pagkatao. Si Ms. Aria ay papalapit na sa akin at siya ang tumawag sa akin. "I've been looking for you, pwede ba kitang makausap?" pagtatanong niya na para bang walang nangyari kagabi.
Magmumukha naman akong tanga kung tatakbo na lang bigla at iiwas sa guro. Marami ang magtataka dahil wala silang alam. Takot man, pinakalma ko ang sarili at saka tumugon. "Yes maam." at saka pinilit kong ngumiti.
"Then follow me. We need to talk to my faculty." ano?! bakit kailangang dun pa?
"Ahm.. Bakit hindi na lang po dito?" Kung saan maraming tao. May kutob akong iba ang plano niya.
"Walang dapat makaalam ng pag uusapan natin" mahinang bulong niya sa akin. Napatingin ako sa mga mata nya ng diretso ngunit hindi ko mabasa ang reaksyon nya. Gayun pa man, wala akong dapat na ikatakot. Naalala ko, hindi naman niya ako pwedeng kidnappin sa eskwelahan. Un ay kung nag-iisa nga lang ba siya.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...