*Setting: Sephira's Apartment
[Author's Note: To: Readers, "You ventured to continue, better prepare yourself to witness someone's disappearance.. Or worst, her death 3:)" - ILRAN]
Sephira's POV
Time Check: 3:00 AM - 28 minutes matapos akong magising ng walang dahilan, ay napabangon na naman ako.. Ang ingay ng puno sa labas ang gumising sa'kin, Dumadampi sa akin ang mala-yelong lamig ng hangin na nanggagaling sa bakanteng lote sa tapat ng appartment ko at pumapasok ito sa widely opened window sa may kaliwa ko.. Malamig. Madilim.
Ang liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing tanging ilaw ko. Ang liwanag nito ay pumapasok sa bintana at tumatama sa pader na may kalumaan na ngunit mukhang bago dahil sa itinapal ko na pinkish wallpaper..
Alas tres palang, alas syete pa ang pasok ko at alas singko pa ang gising ko.. Takot ang muling gumambala sa aking katahimikan, parang mabigat sa pakiramdam, tila may nakatingin sa akin.. Muli kong hinatak ang royal blue kong kumot at nagtalukbong.. Pilit ko na pinapakalma ang sarili sa sobrang takot.. Nang mapakalma ko ang sarili, umayos ako ng higa at nagpasyang bumalik sa pagkakahimbing..
May napansin akong kakaiba.. Parang may mali talaga na pilit kong hinahanap. Ano kaya ito? Kung ano man un, pinawi nito ang antok ko.. Sa kakaisip, nakaramdam ako ng uhaw, agad naman akong tumayo para kumuha ng maiinom..
Sa pagtayo ko, muling napabaling ang aking paningin sa puno sa tapat ng aking appartment. Sa baba nito, naroon na naman ung babae. Kagaya kanina, Bumubulong na naman ito na parang may kinakausap. Hindi, nagdadasal. May kakaibang faded na liwanag sa kamay nitong nakataas at nakatapat sa direksyon ko.. Nakakatakot.. Nagtago ako sa gilid ng nakabukas kong bintana..
Gusto ko sana isara ung bintana kaso, natatakot akooo, baka mamaya pagtingin ko lumulutang na ung babae sa harapan ko eh.. O kaya baka mamaya tumalon un tas, hilahin ako nun pababa, tas kidnappin ako, at pagkatapos ibenta sa BlackMarket :((( Nakakatakot Waaah!! T^T
Dahan dahan akong umangat para bantayan muli ang babae, nasa gilid lang ako at sa tingin ko hindi nya ko makikita dito.. Ganun pa rin ang ginagawa nya, pinagmasdam ko sya kahit na may takot sa aking dibdib.. Ang itim nitong kapa ay lumulutang na parang lumilipad dahil sa lakas ng hangin.. Ilang sandali pa, nawala sa pagkakayuko ang babae at mabilis na tumingin sa akin, Naiinis.. O_O!!
Waaaahh!! Nakakatakot talaga tong abnormal na to, Ni hindi man lang humanap kung nasaan ako?! Sigurado agad na nandun ako?!
Dahil sa takot, napabalikwas ako.. Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdan..
Diretso sana sa pinto palabas, kaso, Nakita kong may dalawa pang kasama ung babae, dalawang lalaki na nasa gilid nya, nakasuot din ang mga ito ng itim na kapa at nakasukbit din ang hood nila sa kanilang ulo.. Hawak ang tungkod na may batong umiilaw.. Dahil dito, natakot akong lumabas. Patuloy sila sa pagbigkas ng kanilang lengwahe, nakatutok ang bato nila sa direksyon ko..
Nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina. Para akong hihimatayin, umiikot ang paningin ko.. Nahirapan akong huminga. Nakaramdam din ako na parang umiikot din ang tiyan ko at para akong masusuka.. Pilit ko itong nilalabanan.. Uminit ang pakiramdam ko at pati na ang ihip ng hangin papunta sa akin..
Ah siguro nauuhaw lang ako, Dali dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom, kinuha ko ung nagyeyelo.. Halos ipaligo ko ito ngunit naiinitan pa rin ako.. Napaupo ako..
Ang maayos at malinaw kong paningin ay parang nag-blur. Nagkaroon ito ng malalabong tuldok.. Iniangat ko ang aking kamay para tignan ngunit di ko na halos ito makita.. Nanghihina pati ang pandinig ko,
"Aaaaaghh!!" napasigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko
"Kunin nyo na ang Pure One" - tanging narinig ko nalang na boses ng babae bago ako tuluyang nawalan ng malay.. May mga yabag na papalapit sakin..
- - -
"Panaginip lang ba ito? Sana nga imahinasyon lang ito at hindi isang Bangungot na papatay sa akin"
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...
