Chapter 20: A Very Special Training..

21 5 0
                                    

Sephira's POV

        Gumising akong naghahabol nang hininga. Ramdam ko ang pamumutla ko dahil sa kaba. Ipinatong ko ang kanang palad sa tapat ng puso ko para pakiramdaman ang mabilis nitong pagtibok.

        Napatingin ako kay Ice dahil sa kakaibang tingin nito sakin. Pero wala ako sa mood itanong sa kanya kung ano ang ibig nitong sabihin.

        Hindi ako maka-get over kung paano nagtapos ang Awakening Vision ko. Kinikilabutan ako kapag naaalala ko.

                *Flashback*

        Alam kong ilang Segundo na lang at paglalasug lasugin na ng lupang babagsakan ko ang buo kong katawan. Nagawa ko ngang pagsamahin ang Spirit at katawang lupa ko, pero anong saysay? Maaaring hindi na ako makabalik pa sa mundong pinanggalingan ko.

        I mouthed a small prayer to God. Wala nang pag asa. Maaaring may kakayahang makalipad ang Spirit na iyon pero wala itong silbi dahil hindi ko alam gamitin.

        All I can do is to make myself invisible. Para kung mawalan man ako ng malay, hindi ako matatagpuan ng mga humahabol sa akin. Nagconcentrate ako at nagawa ko nga. Nakapag-sabog ako ng liwanag at kasabay ko itong nawala.

        Pero invisible lang ako. Hindi nakikita. Pero nahahawakan. Nasusugatan.

        Ayan na, halos naaamoy ko na ang batuhan na tatama ng malakas sa aking likuran.

        Napapikit ako. Pero hindi ako namalik mata. Nakita ko ang itim na usok. Tama, naging Black Smoke ang matters ng buong katawan ko bago pa man ako nasalo ng batik batik na sahig. Sa madaling salita, iniligtas ako ng itim na nilalang.

         But that's not a good thing. Bago ako tuluyang magising, narinig kong magsalita ang babaeng Spirit, "Huwag kang matakot, aalagaan kita. Sasamahan. Hindi papabayaan." sabi nito. "*sound of evil* Hahaha Tama! Magsasama sama tayong tatlo habang buhay!" isang malalim na tinig ng lalaki na parang nanggaling sa ilalim ng lupa. Ang itim na usok ng lalaki.

               *End of Flashback*

        Ilang sandali lang at nagising na rin si Soul. Maaliwalas ang itsura nito na parang maraming natutunan mula sa vision taliwas nang sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na madilim na pala. Ilang oras din pala ang itinagal ng panaginip—ah Mali, bangungot. Pero parang ilang minuto lang ito kung susumahin.

        Bago kami inilapag ng Orion Seed, nag-iwan ito ng wrist band na walang kulay. Halos parang tattoo itong nakamarka sa balat ko. May kakaibang disenyo ang wrist band, pero hindi ko naman maiintindihan ang ibig sabihin, Isa lang ang masasabi ko, malapit na kaming maging opisyal na miyembro ng Southern Soul's Kingdom.

        "P-patingin nga ng symbol mo," pautal na ani ni Ice kay Salient na parang close agad sila. Anyare dun? Parang natatakot sakin na kinakabahan akong kausapin. Inihaya naman ni Soul ang kanan nitong kamay para ipakita sa Maiden. "Magaling, mataas na marka para sa isang newbie. Pagkatapos ng training, makukulayan ito at voilà! Official Guild Members na kayo!" exaggerated nitong banggit.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon