Chapter 21: The Ashfall..

17 5 0
                                        

Salient Soul's POV

        Nagkahiwalay kami ni Sephira ng daan. Kumaliwa ako at siya, kumanan. Sa sobrang panic niya, hindi niya narinig ang sinabi kong daan.

        Mag isa ako ngayon sa hallway heading to the "Office of the Gatekeepers". But something is strange in the atmosphere. Hanggat kaya ko, binabalewala ko ang kaba.

        Sa isang intersection, narinig kong may footsteps na papalapit. Mga GateKeepers. I pushed myself against the wall to hide. Then dahan dahan akong sumilip.

        Two men were out of their minds. They look like heading for something. Tumingin sa akin ung isa, saka bumunot ng palaso at mistulang papanain ako. Doon ako tuluyan nang lumabas para makipaglaban.

        Alam kong wala sila sa sarili at may ibang kumokontrol sa bawat kilos nila. Nararamdaman kong isang Dark Spell ang may gawa nito.

        Asintado ang isang 'to. Muntik na akong tamaan ng palaso, buti na lang at mabilis akong nakapag dodge. Mabilis na sumugod sa akin ung kasama niya na may hawak na  spear. Winasiwas niya ito at sinalag ko gamit ang kamay, trying to be silent as I can para hindi matawag ang pansin ng iba pang GateKeepers na wala sa sarili.

        Wala akong kahit na anong sandata para ipanglaban kaya patuloy ako sa pag-iwas. But there's nothing to worry about. Alam ko kung paano gamitin ang ability ko.

        Ayon sa vision, ang aking Spirit ay isang Guardian na gumagamit ng one of the Forbidden Magics o mahikang matagal nang ipinagbawal na gamitin ng mga ordinaryong Spirits. Sa madaling salita, kaunti na lang o maaaring ako na lang ang nagtataglay nito. Hindi ko totally nade-delete ang isang bagay o tao na nadadapuan ng aking kapangyarihan. I just send them to other dimensions. Sa isang alternative space. Then kaya ko silang i-summon pabalik. Kaya dapat kong makita si Ms. Aria nang sa ganun, maibalik ko siya sa dati.

        Ang cool nito. Parang isang video game. But a very dangerous one. As when I die, my time is up.

        Isang skilled warrior ang katapat ko, though wala siyang kapangyarihan, nagagawa niyang manipulahin ang mga kilos ko para ma-corner ako. Dahil hawak ko ang sandata niya, hindi niya ito magawang iwasiwas sa akin. Kaya hand to hand combat ang kinalabasan.

        'Oooops!' that was too close. Muntik na akong tamaan ng arrow nung isa. Mabuti na lang at napaupo ako dahil sa suntok ni Spearman.

        It's time to get rid of that Archer bago pa niya ako ma-bull's eye. I extended my arm and focused on my target. I waved my hand as if erasing the writings on the board. Napa-ngiti ako ng makitang unti unting mag-fade ang kulay niya hanggang mawala na parang bula. I perfectly sent him to an alternative space - unlike kay Ms. Aria na naiwan ang kaluluwa niya.

        Then, it's the Spearman's turn to disappear. Tinadyakan ko ang binti niya at itinulak siya sa dibdib. Napaatras ito sa lakas ng pwersang ibinigay ko. Nang maka-tyempo, ginawa ko na ang dapat kong gawin. I sent him to another dimension.

        I felt relieved. Hindi ko na nararamdaman ung Dark Spell na kasing lakas ng kanina. Nakalaya na ang dalawang GateKeepers sa effect nito dahil sa aking kagagawan.

        Napaupo ako dahil sa pagod. Hindi lang physical na lakas ko ang nagamit, pati ang mana ko. Kaya ngayon, kailangan ko nang hanapin si Sephira, baka kung ano nang nangyari dun. Hindi na ako papayag mawalan pa ng panibagong kaibigan.

         I've been searching everywhere pero hindi ko siya makita. Nasaan na kaya un? Sinundan ko ung Dark Atmosphere na nararamdaman ko. At kung saan naroon si Sephira, at dalawang iba pa, naroon ang maitim na aura.

Secrets of the Southern IslesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon