Chapter 25: The FortuneTeller.. Part 2

17 6 5
                                        

Sephira's POV

         "Ate Sephiii, bilisAmbagal mo naman po jan" pagmamadali sakin ni Clyde na di mo masyadong mahahalata na excited nang gumala.

        Nabanggit nga sakin ni Mrs. Garnette na ilang buwan na ring hindi nakakapunta ng gitnang bayan itong si Clyde. Noong huling pag-ani pa ngtatay niya nang huli silang makapamasyal.

         "Oo na eto na." sagot ko naman. "Last na talaga, 5 minutes" mga pitong beses ko nang sinasabi yang last na yan. Ampanget naman kasi sabihin na '35 minutes na lang'! Kaya tigfa-five muna..

         Agad kong isinilid sa bulsa ko ang isang brown na card—na gaya nang card na ginamit ni Misty na nakapagbukas ng portal para nakarating kami dito. Natagpuan ko ang baraha sa bulsa ng SoulStealer's Cape na suot ko nang nilabhan ko ito kaninang umaga. Ni wala akong ideya kung paano ito napunta sa pocket ng kapa ko, maaari kayang may nagsadyang naglagay nito dito?

        Pero para saan? Alangan namang ung kalaban ko ang nagpuslit nito para sakin? Ehdi nakatakas ako?

        Bigla kong naalala ung huling pagkikita namin ni Chrome, kung saan papunta na sana kami sa training. May naramdaman akong sumuksok sa bulsa ko nang nagpapaalam samin si Chrome. Posible kayang siya ang nagbigay sakin nito?

        Lumabas na din ako ng kwarto ni Clyde—na pansamantala kong ginagamit—matapos kong magsuklay. Naabutan ko sa baba sina Clyde at Salient na parehong nakaayos na din. Panibagong damit na naman ang suot ni Soul na nakakapagtaka kung saan niya nakuha.

        "Ma!" tumakbo si Clyde papuntang kusina, kung saan naroon si Mrs. Garnette, upang magpaalam na aalis. "Magdadala kami ng pasalubong" ang sweet talaga nitong batang to.

        Agad din namang lumabas si Mrs. Garnette ng kusina upang harapin kami na kasalukuyang nasa labas na ng bahay. "Mag-iingat kayo ha? Ung binilin ko"

        "Opo" sagot ko at namaalam na rin.

        Ipinagbilin nito na huwag na huwag gagamitin ang kapangyarihan dahil baka may makaalam na isa kaming LunarSoul. Hindi naman sa PureOnes ang mga nakatira dito, pero karamihan sa kanila ay mga mortal. Dapat matuto kaming makipamuhay gaya nila. At napaka-laking gulo kung mahuhuli kaming gumagamit ng kapangyarihan dahil kahit anong anggulo mo tignan, hindi patas sa kanila iyon.

         Pinagsuot kami ni Mrs. Garnette ng wrist band to cover the tattoo given off by the Orion Seed.

        Sa sobrang pagmamadali ni Clyde, inaya niya na kaming mag-teleport na lang para makarating agad. Pero gaya nga ng bilin ng nanay niya. Huwag gagamit ng kapangyarihan.

        It was an afternoon near sunset. We're heading west—where the sky was partially covered with orange and a silhouette of clouds. The heaven was crystal blue on the other side where the moon starts to show it's beauty in a semi-circular position.

        I think, nasa isang kilometrong taniman ang nalagpasan namin at malapit na kami sa bayan. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na agad ang higanteng Ferris wheel at Roller Coaster nang Carnival. Sa pinakalabas, sasalubong sa iyo ang isang sign na Welcome to Raiderscale Town.

        Pagpasok na pagpasok palang namin, hinatak na agad kami ni Clyde para bumili ng ticket sa rides. Good thing, this world is located at our region kaya ang perang ginagamit ay gaya ng sa Southern Isles.

Secrets of the Southern IslesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon