Chapter 24: The Fortune Teller.. Part One.

18 5 0
                                    

Sephira's POV

        Napakabait ng ina ni Clyde. Hinayaan niya kaming magpalipas muna ng mga araw dito habang hindi pa ganap na maayos ang lagay ng kaharian. Nag aalala ako para kina Chrome pero mas nanaig ang kutob ko na kayang kaya nila itong pagtagumpayan.

        Nasa mid-40s palang edad ng ina ni Clyde ngunit dahil sa mga gawaing bahay, nagmumukha na siyang matanda. Isa siyang mananahi at karamihan sa mga kasuotan ng hari at reyna, siya ang may gawa. Ang tatay naman niya, abala sa pagtatrabaho para sa pamilya nila. Isa siyang magsasaka at paminsan minsan ay nagpupuntang gubat upang mangaso bilang pandagdag sa pagkakakitaan.

        Sakto lang ang laki ng bahay. Gawa ito sa troso at may kahoy na pinto. Wooden tiled ang sahig nito. Pagpasok mo, bubungad agad ang living room na may pahabang table sa harap ng sofa na nakatapat sa isang chimney. May isang pinto sa kanan na siyang papasok sa silid ng mag asawa. Sa ikalwang palapag, may dalawang kwarto, at isa doon ang kwarto ng nag iisang anak na si Clyde. Nakapagtataka kung para saan ang isa pang silid, pero nakakahiya namang magtanong. May daan sa may kisame ng hagdan na siyang papunta sa attic.

        Pansamantala akong nanghiram ng masusuot kay Mrs. Garnette para makapagpalit. Si Soul naman, pagka gising ko nakapag palit na ng suot. Saan naman kaya galing un? Hindi naman siguro nagdadamit ng ganyan ang tatay ni Clyde diba? May bendang nakarolyo sa braso niya kung saan tumama ang DustBomb ng BombStarter na dapat talaga ay para sa akin. I'm feeling guilty. Kasalanan ko to eh.

        Sumikat na ang araw at nagpresenta akong tumulong sa gawaing bahay. Ako ang maglilinis. Ramdam kong nahihiya rin si Salient magiliw na pakikitungo sa amin ng babae, gayunpaman, wala siyang alam na gawaing bahay para makatulong kaya nagpaalam ito sa akin na lalabas muna kasama si Clyde.

        Nakaramdam ako ng pamumula nang magpaalam siya sa akin na magpapahangin lang. Pakiramdam ko nagbago ang tibok ng puso ko. Parang timang.

        Nagma-mop ako ng sahig habang nananahi ang matanda. Nang makalabas ng pintuan si Soul, biglang nagsalita ang matanda.

        "Iha, ang swerte mo naman sa kasintahan mo" saglit akong nabilaukan at hindi alam ang itutugon. "alam mo ba, ang tatay ni Clyde? Magpapaalam lang 'yan na magpapahangin tapos pagbalik may dala nang tsokolate at bulaklak" nakangiti ang matanda sa kawalan habang nagbabalik sa alaala ng nakaraan.

        Mula sa mga ngiti nito, masasabi kong napakasaya nang nakalipas nito. Ganun ba ang pakiramdam ng magmahal? Ewan.

        "Ah, h-hindi po. Magkaibigan lang po kami" tuwiran kong sabi.

        "May magkaibigan bang nagtatanan?" muling tirada nito na ikinalaki ng mata ko.

        "Ho? Hindi naman~"

        "Hahaha" hindi niya na ako pinatapos magpaliwanag. "First boypren mo ba?"

        Napa-singhal na lang ako. Tapos ay piniga ko ang basahang hawak ko para ipamunas ng maalikabok na bintana.

        Tumingin ako sa paligid upang tignan kung may iba pang makakarinig. Nang masigurong wala, pinatulan ko na ang trip ni Mrs. Garnette. "Uhm, kung saka sakali po, oo?"

        At napahagalpak sa kakatawa ang matanda na akala mo nagjoke na naman ako nang hindi ko nalalaman. Nagsisi akong nagpauto ako sa kanya.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon