Chapter 11: Best Buddy? or a Sweet Enemy?

34 8 1
                                    

*setting: Sephira's Apartment

Sephira's POV

        Nakita ko ang pagbagsak ni Salient sa sahig matapos may humampas sa batok niya. Si Ms Aria naman, hanggang sa ngayon ay mistulang estatwa.

        Malamang hanggang ngayon ay gulat pa rin si Chrome. Sana maintindihan niya kapag ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Pati ang matagal ko nang itinatagong lihim—ang kapangyarihan ko. Natatakot kasi akong baka pag may nakaalam, isipin nilang isinumpa ako. May sa-engkanto kumbaga.

        Dalawa na lang kaming natitira ni Chrome. At ako na lang ang natitirang pag-asa para makaligtas kaming lahat. Kung kaya ko lang pabilisin ang oras, ginawa ko na—nang sa ganun, umalis na sila dala ang sikreto ng Southern Region. Pero hindi. At iyon ang masakit, maaaring wala akong magawa.

        "Bhesy, kapag natapos ang mga ito, magpapaliwanag ako ok?" tanong ko sa di mapakali na si Chrome. "Basta kahit ano, huwag kang lalabas. Makakaligtas tayong lahat dito, maliwanag?" pilit na assurance ko sa kanya kahit pa ang totoo halos mawalan na rin ako ng lakas ng loob. "Huwag kang lalabas"

        Ano nga naman bang laban ko sa kanila? Baguhan pa lang ako sa paggamit ng kapangyarihan ko.

        Nag-concentrate ako. Ginawa kong blanko ang isipan ko at hindi nagpadaig sa takot. Kailangang gawin ko ang lahat.

        Hinarap ko ang pinto. 'Paano ko kaya sisimulan?' Alam ko na

        Nasa may kanang bahagi ang nilalang na humampas kay Soul kaya kailangan kong iwasan ang parteng ito.

        Hindi rin dapat ako makita nang nilalang na nasa may hallway dahil siya ang nakapagpapahinto sa pagkilos ni Ms. Aria.

        Bumunot ako ng buntong hininga at nagmadali sa paglabas. Nag-slide ako ng paupo sa sahig at saka ginamit ang Invisibility Phase ko. Nagsabog ito ng liwanag na agad ding naglaho kasabay ng papapalit ko ng phase.

        Sa ngayon, makikita ang pagtataka sa mga tingin nila. Lumingon lingon sila sa paligid para hanapin kung Saan ako nagtatago. Pero hindi nila ako makita kahit halos sa akin na siya nakatingin.

        Dalawang bisita pala ang naghihintay sa'kin dito. Ang isa ay babae, naka-senyas ito ng 'stop' kay Ms Aria. Malamang ito ang abilidad niya. Ang isa naman— ung nanghampas ng staff kay Soul, ay nasa kanang pader. Nakatagos ang kalahating katawan ng lalaki sa pader at hirap nang kumilos. Malamang ay sinubok nitong pumasok sa kwarto ngunit sa kalagitnaan ay na-trap siya dahil hindi na gumana ang mahika niya.

        Dahan dahan akong naglakad. Agad na may sumulpot na isa na namang bisita. Ang ikatlo sa kanila. Pero ayos lang, hindi nila ako masasaktan dahil hindi nila 'ko nakikita.

        Pero ang kakaiba sa lalaking 'to ay nakapikit siya at pinakikiramdaman ako. Bumunot siya ng isang maliit na kutsilyo at mabilis itong ibinato sa direksyon ko. Kitang kita ko ang paglipad ng patalim sa ere at segundo na lang at isasabog na nito ang dugo ng ulo ko sa sahig. Napapikit ako at hinarang ang mga kamay sa mukha.

        Nang lumipas ang ilang sandali, nagtaka ako't buhay pa rin ako at walang kutsilyo na tumama sa akin. Ini-angat ko ang paningin at nagulat akong lumulutang pa rin ang patalim sa ere. Nakaturo ito sa pagitan ng aking mga mata at isang dangkal na lang layo mula sa akin. Alam kong maging ang nagbato nito sa akin ay nagulat sa sumunod na nangyari.

        'Sino ang may kagagawan nito?' Pero hindi ito ang oras para sa tanong na 'yan. Muli akong nagpalit pabalik ng Visibility Phase. Kinuha ko ang punyal na nakatutok sa akin. At aktong wawakwakin ang leeg ang nilalang na nakatagos sa pader.

        Ikinatuwa ko nang makumpirma sa sarili na natatakot ang huli ko.

        "Sino kayo at anong kailangan nyo sa amin?" inulit ko ang pagtatanong ni Soul. Pero wala pa ring sumagot. Bahagya kong idiniin ang patalim sa leeg nito. "Hindi kayo natatakot? Walang sasagot?!" galit kong baling sa nagbato sakin ng punyal.

        Inaasahan kong sasagot sila dahil sa pananakot ko. Hindi nila hahayaang saktan ko ang kasama nila 'Tama ba?' Pero wala pa ring sumagot. Kaya tinignan ko ang biktima ko na parang nanghihingi ng paubaya na wakwakin ko na ang leeg niya.

        "S-SoulStealers," nanginginig na saad ng huli ko. "Mga soulstealers kami" nakikiusap ang mata niyang huwag ituloy ang gagawin ko. Sorry na lang sa kanya dahil gagawin ko ito sa ngalan ng mga batchmates kong nabiktima nila.

        "Nasagot na niya ang tanong mo hindi ba?" tila may pagbabantang sabi sa akin ng babaeng nakabihag kay Ms. Aria, "Bitawan mo na siya, kung hindi, Forest" baling niya sa nagbato sa akin nung patalim. "Alam mo na ang gagawin mo" tila utos niya dito.

        Tinanggal nito ang hood at inangat ang ulo para tignan ako. Huminga sya ay nagpalabas ng bolang apoy sa kaliwang kamay. Ngunit sa halip na ako ang asintahin, itinira niya ang naglalagablab na bola sa direksyon ng walang malay na si Soul.

        Hindi ko hahayaang may ibang madamay, lalo na't walang laban, isa pa minsan na niya akong niligatas, sapat na iyon para ibalik ang utang na loob ko sa kanya. Kaya binitiwan ko ang punyal at sinalag ang tira ng kalaban. Dahil pababa ang bato niya, ang mga binti ko ang nakasalo nang init.

        "Aaaahhhh!" isang sigaw ang kumawala sa aking bibig. Ramdam ko ang init nito na tila nilalapnos ang buo kong pagkatao. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit. Tumulo ang mga luha ko dahil wala na rin akong laban. Wala na kaming pag asa. Nanginginig ako. Bukod pa sa hapdi, takot ang nagpapahirap sa akin. 'Ano nang balak nila sa amin?'

        Natuwa ang Babae sa ginawa ng kasamahan. Dahan dahang humakbang papalapit ang lalaki sa amin. Nakakatakot ang ngiting ibinibigay nito sa akin.

        Hindi na natiis ni Chrome at lumabas na siya mula sa aking silid. Sinuway niya ang utos kong huwag lalabas. May nangingilid na luha sa mga mata niya at tuluyan itong tumulo nang makita ang kalagayan ko. "Tama na!" sigaw nito at nakabuka ang mga braso na hinarang ang lalaking papalapit sa amin. Lahat sila ay nanlaki ang mga mata at hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari.

        Nagbago ang emosyon ng lalaki at napalunok bago magsalita. "P-Prinsesa Chrome? Ka-kayo po pala" nag aalangang tanong nito at saka sila lumuhod ng sabay nung babaeng nakabihag kay Ms Aria, maliban sa lalaking hanggang ngayon ay hirap pang kumilos.

-------------------------------------
"Prinsesa?! Prinsesa si Chrome?" pagtataka ko pa rin pero ang pinakamahalagang katanungan, "Prinsesa ng mga SoulStealers?!" hindi. Baka nagkakamali lang sila.. Sana nga..

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon