*setting: Southern LunarSouls' Gate
Sephira's POV
"Hindi ako papayag na hadlangan mo ang balak ko!" matalinhagang saad Chrome sa kaharap na gatekeeper na nagngangalang Walden Lionheart.
Halos ka-edad namin siya. He stands 5'11 at may kalakihan ang bulky nitong katawan na parang puputok na ang muscles inside his shirt. Malakas ang sex appeal niya at di malayong nagka-gusto na sana ako sa kanya kung di lang nangyayari 'to. Ka-lalake nyang tao, patulan ba naman ang bhesty ko? Eh anong laban sa kanya ni Chrome? Isa pa isa siyang GateKeeper—at oo, tungkulin nyang mangalaga ng kapayapaan, pero what's with the manner naman na pati ang pinagsisilbihan niya kakalabanin niya diba? Tss.
Itinutok ni Chrome at setrong hawak niya sa buwan. "Materialize!" sigaw niya sa hangin. Naglabas ng pulang butil butil na liwanag ang dyamante nito at gumapang ito pababa sa kanyang katawan, ang lahat ng madadaanang damit ng nasabing liwanag ay nagbabago at nang matapos ito ay iba na ang suot ni Chrome. Naging Black-and-Red colored Combat Suit ito na, perfect i-terno na hawak niyang sceptre, at tumutulong sa kanyang makagalaw ng maayos. 'Woooh! Lakas lang maka-anime XD'
Hindi naman nagpatalo si Walden at, "Materialize!" sigaw din nito na parang ginaya lang si Chrome—but more likely to classify as an Equipment Spell. Kung mapapansin kasi, kaya nakapagpalit si Chrome ay dahil sa kapangyarihan ng Setro, samantalang nagawa ito ni Walden nang hindi gumagamit ng anumang powerful material. At kung hindi ako nagkakamali, ang abilidad niya at isang Equipment Magic.
Kusang nagliwanag ang Casual outfit ni Walden at napalitan ng fitted Ninja Suit na may Black-and-Blue color naman. Pati ang buhok nito ay nabago base sa damit na nakabihis sa kanya. 'Ang lakas maka-Anime fashionista XD' Kung meron din ako niyan ehdi hayahay na. Di ko na kailangang mag-mall para bumili ng damit, simpleng sigaw lang ng "materialize" at tadaah! Change outfit na \^o^/ papaturo nga ako XD
Dumukot siya ng katana, na hindi ko alam kung saan nanggaling—maaaring sakop pa din ng Equipping Magic. At sumugod siya kay Chrome, winasiwas niya ang espada at sinalag ito ni Chrome. Paatras na sinasalubong ng bhesty ko ang bawat pasulong na pag-atake ni Walden. Namangha ako. Sino makakapagsabi na ang bhesty ko ay magaling makipag-digma? Para lang silang naglalaro dahil halos kabisado ang kilos ng bawat isa. Alam kong kakayanin siya ng palaban kong kaibigan kaya't kumpiyansya akong hindi siya masasaktan. Subukan niya lang.
Hindi magpapatalo si Chrome at base sa mga ikinikilos nito ay sabik din niyang mapatakan ng dugo ng kalaban ang sandatang hawak niya.
Napatingin ako sa paligid at abala sa panonood ang mga kasama naman na akala mo nanonood lang ng action movie ni James Bond. Tinitigan ko sila isa isa at napansin ko si Misty, ang SoulStealer na umaakay sa akin dahil sa mga pasong tinamo ko nang tirahin ako ng bolang apoy. Hindi ko alintana ang sakit dahil sa abilidad ni Misty.
Sa totoo lang kanina pa parang kakaiba eh. Bakit tila iisa lang sumugod sa amin si Lionheart? Hindi ba dapat may kasama siyang iba pang GateKeeper? at imposible namang sa ingay nilang maglaban ni Chrome, wala pang lumalabas mula sa likod ng Gate para tignan kung ano ang nangyayari sa labas.
Nagflashback din sa isip ko ang sinabi niya kay Salient, "Wag kang mag-alala, hindi nila tayo nakitang dumaan". Hindi daw kami nakita ng sinuman na dumaan. 'Hindi kaya ginamitan sila ng kapangyarihan ni Misty?'
BINABASA MO ANG
Secrets of the Southern Isles
Mystery / ThrillerThere are some Secrets hidden in the Past.. Will you run from it and live in your own fantasies? or Face the fact and it's consequences? Honestly, the Island of the South has it's own Secrets hidden from the usual world.. Would you be brave enough t...