Chapter 3: Chrome's Specter..

69 11 3
                                    

*Setting: Chrome's Residence*

["They say, The end was just the beginning of everything.. Prepare, for this will be the 'Beginning of the End' for those who dare to unfold me - The Secrets of the Southern Isle" - ILRAN]

Chrome's POV

        Haayy sa wakas!! Nakauwi na rin ako galing School..

        Waaah!! Nakausap ko si Mr. Suplado XD Close na kami!! LOL.. Pero wala naman kami masyado napag usapan, nakakahiya naman tanong ako ng tanong, pero pansin ko panay ang tingin nya kay Sephira? Assume lang. May gusto yata sya sa BestFriend ko? Yaan mo na, ayos lang naman kung kay Sephira, wag lang dun sa dalawang demonyitang humabol sa'min..

        Ung dalawang Section 15 na may gusto kay Salient? Sila ung humabol sa'min papuntang gubat, nakakapagod kaya :3 Sila sina Urihime Shadows at Ceres Lachesis.. Si Urihime Shadows ung section 15 na nakita naming dumugo ang ilong sa kakasagot sa isa pang mangkukulam na si Ms. Aria. Si Ceres Lachesis naman ung Bestfriend (slash!!) Alalay (isa pang Slash!!) Uto-utong kampon ni Urihime (gusto ko sanang pag-iiSlashin ung pagmumukha nung mga un eh -_-) Si Ceres ung umawat at hinimatay din.. Hindi ko din alam kung sino ang may gawa nun eh, pero bagay lang sa kanila un no? Aba, magtanda sila XD

        Nang matapos akong magbihis ay umupo muna ako sa King-size na kama ko, walang Queen-size eh? XD.. 6:30 P.M na kaya naman medyo madilim na, gayun pa man ay may kaunti namang liwanag na nanggagaling sa papasikat nang buwan at ito nalang muna ang nagsilbi kong ilaw.. Pagod kong ibinagsak ang sexy kong katawan? XD sa malambot na kama.. Yakap yakap ang Life-size teddy bear ko, nakatulog ako ng di namamalayan.. Mahimbing..

- - -

        "*Takbo* Chrome! Chrome! Tu - Tulong!" medyo malabong sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang babae habang tumatakbo.. Nagmamadali at tila ba takot na takot.. Mabilis akong lumingon lingon para hanapin ang babaeng nagmamakaawa.

        Nasa kagubatan ang babae, nasa likod nya at hinahabol sya ng mga taong naka-itim na kapa at nakasuot ng itim na hood.. iyon lang ang natandaan ko dahil hindi ko sila mamukhaan dahil lahat nga sila naka-hood.. Ang mga naka-itim ay pinapangunahan ng isang babaeng nakataas ang kamay, may liwanag ang bawat gilid ng kamay nito..

        Takot na takot ang babae at hingal na hingal.. Nakatalikod ito kaya hindi ko makilala.. Gusto ko siyang tulungan pero hindi pwede, a - at isa pa, hi- hindi ko kaya!!

        "Ch - Chrome! Tulong! Chrome asan ka? Chroome!" mas lumapit ang pinanggagalingan ng boses kaya mas narinig ko ito, pamilyar talaga ang tinig na un. At sa pagkakataong ito, humarap sya.. Nagulat ako sa nakita ko :O

        Se - Sephira?! O_O, A - ano to? A - Anong nangyayari?! Sino sila?

        "Hindi ko rin alam!! Pero sa tingin ko ako ang habol nila.. *Hingal* Hi - hindi ko na kaya" tugon ni Sephira bago tuluyang hinimatay. Bumagsak ang pagod na pagod at pawisang katawan ng Bespren ko sa damuhan, ito na rin ang sumalo sa kanyang ulo para hindi ito mapuruhan.

        Nabaling ang paningin ko sa mga naka-itim na kasalukuyang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ni Sephira..

"Nagawa kong patulugin sya! Kunin nyo na ang PureOne!!" - sigaw ng babaeng nasa unahan, matapos ito ay Ibinaba na ng babae ang kanyang nakataas na kamay at naglaho ang liwanag nito.. Nang maabutan nila ang hinimatay na katawan ni Sephira, pinalibutan nila ito at Kukunin na sana nang

-

        "Waaaaaaagg!!" sigaw ko sa kanila.. Napabalikwas ako sa aking higaan.. Pawisan, at hingal na hingal.. Isa lang pala itong panaginip.. Hindi, Isang Bangungot.. Isang Masamang Pangitain! Pa - paano ko mapipigilan ang ganitong kaganapan? Kailangan kong balaan si Sephira!

        Inabot ko ang Phone ko at idinial ang number ni Sephira.. Alas tres na ng madaling araw.. Ngunit nagbabaka - sakali pa rin akong sagutin nya ang phone nya.. Maka-raan ang ilang sandali,

        "Hello?" sagot ng isang di kilalang boses ng lalaki.. Sa halip na mapawi ay lumala ang takot na naramdaman ko, bakit iba ang may hawak ng phone ni Sephira? Si - sino sya?

Agad nitong pinatay ang Phone..

- - -

"Mag isa lang naman sa appartment na tinitinrhan nya si Sephira ah? Sino ang lalaking un?!

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon