Chapter 28: Return of the Come Back

17 2 2
                                    

*setting: RaiderScale Town

Ms. Aria Hypnos' POV

        Kaakibat ng malamig na simoy ng hangin ang mainit na tensyon sa paligid.

         Kami ang superior ng laban ngunit tila mga istupido at talunan kami sa harap ng mga manonood.

        Sa halip na ingay ng nagkakatuwaan ang maririnig sa Carnaval na ito, sari saring bulungan ang umaalingawngaw. Bagamat maingay ito, wala akong marinig nang maayos.

         Sa tantya ko, eksaktong alas sais nang sumikat ang araw sa gawing silangan. Ang dahan dahang pagtama ng sinag nito sa aking mga mata ay tila spot light at nasa amin ang sentro ngayon ng palabas.

         Masaya ako at nakabalik sa dating anyo. Halos mawalan na ako ng pag asa noon. Araw araw kong sinusundan si Salient para malaman kung may kakayahan pa siyang maibalik ako sa normal. Mabuti na lamang at nagawa niya. Bilib talaga ako sa batang ito.

        Hindi ko alam pero pakiramdam ko mas lumakas ako di gaya ng dati. Siguro mas na-realize ko lang itong kakayahan ko nung saglit siyang mawala. Ganun naman talaga, doon lang natin malalaman ang halaga ng mga bagay kapag nawala ito sa atin.

        Sa sobrang saya na hindi ko napigilan, muli kong sinubukan ang kapangyarihan. Itinutok ko ang kamay sa mga SouthernRadar Police Officers pati na sa kasamahan nilang Orange ang buhok. Pinakiramdaman ko ang mana ko at pinadaloy ito—ngayon ay nasa ilalim na sila ng kapangyarihan ko. Dahan dahan kong pinihit ang bawat ugat na nararamdaman ko sa kanilang katawan, dahilan upang dumaing sila ng tulong sa mga mamamayang nakapaligid sa amin.

        Pero nang dahil sa ginawa ko, mas lalong sumama ang bulungan patungkol sa amin.

        Mukhang nagkamali ako sa ginawa ko kaya agad ko ding itinigil dahil anumang sandali, pwede kaming dumugin ng lahat. Lalo na't wala kaming matibay na ebidensyang masasamang tao nga ang Officers na ito—na hindi gaya ng akala nilang lahat, literal na makapangyarihan ang kakayahan ng bawat isa sa kanila.

        Nasa likod ko, sina Sephira at Salient upang tulungan ako sa anumang mangyayari. Sina Mrs. Garnette at Clyde naman ay nakihalo na sa kumpulan ng mga manonood—ito ang suhestiyon ko upang wag silang madamay.

        "Soul, ngayon na" tinanguan ko siya upang ipaalala ang gagawin niya. Lumakad naman ito agad papunta sa lalaking may Orange na buhok upang tanggalin ang long sleeve nito. Hindi naman makakapalag ang mga ito dahil nasa ilalim sila ng kontrol ko.

        Ikinagulat ng lahat maliban sa amin ang nakita nila sa ilalim ng telang iyon.

        "P-Pure Ones' mark ba ang ta-tawag jan?" Gulat na bigkas ng isa sa mga taong nakapaligid sa amin.

        "Mukha nga" pag sang-ayon naman ng isa.

        Nakatattoo sa braso ng lalaking ito ang marka ng mga Pure Ones. Ibig sabihin ay hindi lamang siya sinpleng mamamayan kundi kabilang siya sa mga ito—kalaban. Kaya pala ang lahat ng mahuhuli nilang may kakaibang abilidad ay agad na naglalaho dahil alam nilang LunarSoul ang bihag.

        At gaya ng inaasahan ko, umalingasaw muli ang nakakabinging bulungan. Tila nagbago ang ihip ng hangin. Parang naniniwala na ang lahat ngunit..

        "Paano kami makakasiguro na hindi kayo ang naglagay ng mga iyan?" May punto ang sinumang nagsalita. Hindi ko alam kung sino iyon pero alam kong galing iyon sa mga manonood.

         Tama siya. Paano ko ngayon patutunayan ang side namin? Hindi ko maaaring piliting lumaban ang mga bihag ko dahil siguradong hindi sila gagamit ng kapangyarihan upang ipakita sa mga tao na inosente sila.

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon