Chapter 13: A Journey to the Outside World..

26 7 1
                                    

*setting: Sephira's Apartment

Chrome's POV

        Nang matapos ang mahabang paliwanagan, napagpasyahan kong handa na kaming umalis; papunta sa ibang dimensyon — sa kaharian ng Southern Lunar Souls.

        Tinulungan kong maka-ahon si Sebastian Faustus na kasalukuyang nakalubog ang kalahati ng katawan matapos subukang tumagos sa no-magic zone — ang kwarto ni Sephira. Ang kakayahan niya ay tumagos sa anumang bagay nang hindi nahihirapan.

        Si Misty Taken naman na isang SpellCaster ay may kapangyarihan pasunurin ang katawan ng isang tao. Kaya nyang iutos ang lahat ng gustuhin niya sa mga senses ng biktima. Siya ang madalas na utusan ko upang bantayan si Sephira. Siya na ang pinagkatiwalaan kong magbantay kay Sephira matapos siyang pagtangkaan ng grupo nina Lawlien Phantomhive — isa ring SpellCaster na nasa 30+ ang edad at lubhang istrikto kaya't sinubukang alamin kung isang PureOne si Sephira. Siya ang namamahala sa ibang SoulStealers.

        "Oh, ano pang hinihintay mo?!" pagalit kong baling kay Forest Stonehurst, na siyang may kakayahang gumawa ng apoy. "Bakit hindi mo pa pinapagaling ang lapnos na ginawa mo kay Sephira?"

        "A-ah, kasi po," patungo nyang sabi "ang totoo niyan hindi sakop ng kapangyarihan ko ang magpagaling" nahihiya niyang dagdag.

        'Ano?! Psh, AnT*nga naman Neto?! Kabago bago pa lang.' sa isip isip ko. Madali lang sana kung nasa palasyo kami, kahit hindi ko na siya kailanganin dahil mayroon doong mga Class A wizards na may kakayahang magpagaling.

        "Aaargh!" pagsigaw ko sa nakaluhod pa rin na si Forest. "Ihanda mo nang sarili mo para sa kaparusahan kapag nakarating tayo sa kaharian" pananakot ko pa rito.

        'Tama lang iyon para sa kanya. Pagbayaran niya ang ginawa kay Sephira.' bulong ko sa sarili

        "P-prinsesa," pag-singit sa usapan ni Misty. "kaya ko pong tanggalin nang pansamantala ang hapdi nito sa pamamagitan ng pagpapamanhid ng mga binti ng kaibigan niyo" suhestiyon niya na pinayagan ko naman.

         'Pasalamat ka Forest, mukhang mababawasan ang sintensya mo' mahinang banggit ko na kaming dalawa lang ang nakarinig.

        'H-ha? Opo, pa-pasensya na po ulit'

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon