Chapter 2
Noah look at Naih with his face that obviously asking her, 'are you done?' His sister's attitude sometimes annoyed him given the fact that she's already annoying. She's been blurting out nonsense ever since she found out about Vitale's sudden appearance at their house yesterday. Kanina lang nito nalaman ang tungkol dito, maging si Naia ay ganoon din dahil akala nito may inutusan lang ang lalaking iyon kunin sa bahay nila ang mga papeles.Wala sana siyang balak sabihin sa mga ito kung hindi lang siya nadulas kanina kaya itong si Naih ay kung anu-ano na ang pinagsasabi na umabot na hanggang dito sa school kaya nalaman din ng iba pang kaibigan nila.
Inirapan siya ni Naih. "Buti buhay ka pa Kuya." Anito saka uminon ng juice nito. Vacant slash lunch time nila kaya nasa cafeteria siya kasama ang mga kaibigan niya. "Well, hindi ko pa naman kayo nakitang mag one-on-one fight pero kahit gaano ka pa kalakas ngayon alam ko at alam mong wala ka pa rin laban sa kaniya." Dagdag pa nito.
Sa ilalim ng mesang kinauupuan niya ay lihim na napakuyom ang kamay niya. Alam naman niya iyon, bakit kailangan pang ipamukha sa kaniya ng magaling niyang kapatid?
He glared at Naih, kung makapag salita ito parang alam nitong kaya siyang patayin ni Callen. Hindi niya maintindihan ang kapatid, galit ito sa Black Panther pero pagdating sa Callen na iyon ay para itong isang maamong tupa kahit may sama pa ito ng loob sa binata.
Actually alam naman niya kung bakit ganoon si Naih kay Callen, hindi niya lang talaga ito maintindihan minsan dahil sa pagkakaalam niya ay not in a good terms pa rin ang kapatid niya sa lalaking iyon.
"I wouldn't be here if I'm dead." He said coldly, sanay naman ang mga ito sa ugali niya.
"Pero in fairness kung ako ang nandoon baka ako na ang namatay." Maarteng turan pa ng kapatid niya. Sabay silang walo napatingin kay Naih. "What? Hindi ba kayo maka relate? Guys, bulag lang ang hindi makakapansin sa nakakamatay niyang kagwapuhan." Dagdag pa nito na sinang ayunan naman ng dalawa pa nilang kasamang babae, Elisha and Kylie.
Alam niyang nagbibiro lang si Naih pero hindi nakatakas sa kaniya ang pagdaan ng lungkot sa mata nito. Alam din ni Noah na nagrereklamo ito hindi dahil pumunta si Callen sa bahay nila, nagrereklamo ang kapatid niya dahil wala ito noong nandoon si Callen.
"Babe!" Elijah, her boyfriend and one of his gang mate reacted first. Noah knew how possessive Elijah could be but knowing his sister, she like it more when her boyfriend is jealous.
Tinaasan nito ng isang kilay ang boyfriend. "What? You jealous? Babe, he's drop dead gorgeous man, that's a fact and it will remain that way. In your case, you're my boyfriend and the man that I love and that will remain that way too, okay?" Maarteng saad nito.
Napailing nalang si Noah sa inasta ng kapatid, wala namang bago. Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ni Elijah kay Naih at nakakaya nitong tiisin ang kaartehan nito. But he guess, that's what they called love.
Wala naman siyang alam sa love, romantic love to be specific. Yong mga past relationships niya it's more like mga flings niya lang ang mga iyon. May mga naging girlfriend siya pero hindi naman iyon nagtatagal. Hindi pa niya naranasan magmahal, yong tipo ng pagmamahal na kaya at handa niyang ibigay ang lahat para sa taong iyon. May mga pagkakataon na nasasabihan siya ng mga kaibigan niya na takot siyang magmahal pero sa totoo lang hindi naman siya takot magmahal sadyang hindi pa talaga dumarating ang taong para sa kanya.
Naiiling na iwinaksi niya sa isip ang mga iyon. If there's really someone who's destined to him, he'll find her sooner or later all he had to do is to wait for the right time. Ika nga nila, the best things in life comes to those who wait patiently.
BINABASA MO ANG
NOT A RIVALRY
RomanceEveryone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same place, everyone is always on guard. The rivalry between their Gang made them become a rival in ever...