Chapter 20
PAGKALABAS ni Noah sa bathroom walang Callen ang bumungad sa kanya sa loob ng kuwarto, kahit sa balcony kung saan pumunta ito kanina ay wala rin, mukhang lumabas na ito. Napabuntong hininga siya at pumunta sa walk-in closet ni Callen para maghanap ng damit nito na pwede niyang maisuot. Wala naman siyang balak lumabas ng condo kaya kumuha nalang siya ng maisusuot kung saang komportable siya.Noah choose a plain black t-shirt and a short pants, medyo mahaba at may kalakihan pa sa kanya ang damit ni Callen pero ayos na iyon sa kanya, mas komportable siya sa ganito.
Nang matapos magbihis lumabas na siya ng kuwarto para hanapin si Callen. Napapailing nalang si Noah sa sarili, ang lakas ng loob niyang iwasan ito noong mga nakaraang araw, ngayon naman ay halos ayaw na niyang mahiwalay dito at gustong-gusto niyang palagi itong nakikita.
This is why he don't want to attach himself into someone, when he does— he'll become so clingy, always asking for attention, become possessive and so on. But now, he just attached himself into someone named Callen, and as expected— he can't let him go.
"Hon?" Tawag niya kay Callen nang makababa. Hindi niya maiwasang mapangiti, parang komportableng komportable siyang tawagin itong hon. Nagbibiro lang naman siya kanina, pero heto siya't nagugustuhan na ang pagtawag nito nang ganoon.
"In here, Bunny!" Dinig niyang sagot nito na nagmumula sa kusina.
Malalaki ang hakbang niyang tinungo ang direksyon ng kusina, pagkarating bumungad sa kanya si Callen na abalang nagluluto. Panandaliang natigilan pa ito nang makita siya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"What?" Untag niya dito nang hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa kanya, naiilang tuloy siya. Kaya sa halip na manatiling nakatayo lang sa bukana ng kusina, naglakad nalang siya palapit kay Callen at walang pag-aatubiling niyakap ang binata.
Yes he's clingy, and he admit that. Who cares if he's clingy? Definitely not him, he can also be shameless as well if he wants to. Lihim siyang napangiti nang yumakap ito pabalik.
"You look good in my clothes, Bunny" Anito kapagkuwa'y nagulat nalang siya nang walang kahirap-hirap siya nitong binuhat at iniupo sa kitchen counter. "But I think, you look even better without wearing anything." Bulong pa nito dahilan ng pag-iinit ng buong mukha niya.
"Hon!" Saway niya rito at marahan pang sinuntok ang kaliwang dibdib nito.
At dahil nakaupo siya sa kitchen counter, medyo mataas siya kumpara kay Callen kaya kinailangan pa niyang yumuko nang bahagya para magkapantay ang mukha nila habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang balikat nito. Napasimangot siya nang makitang may mumunting ngiting nakapaskil sa labi nito.
"I like the way you call me, keep it up, Bunny." Callen said in pinched his nose.
Inirapan niya ito kapagkuwan ay dumukwang para bigyan ito nang mabilis na halik sa labi. Pero ang planong mabilis na halik lang ay nauwi sa mapusok na halikan, kung hindi pa nila naamoy ang niluluto ni Callen ay hindi pa sila maghihiwalay.
"Shit!" Callen hissed and immediately give attention to the food he was cooking.
Napakagat sa pang-ibabang labi niya si Noah, hindi niya maintindihan ang sarili pero isa lang ang alam niya— ayaw na ayaw niyang nalalayo sa kanya si Callen. Hindi niya alam kung bakit biglang nagkakaganito siya, kung tutuusin ay hindi naman siya ganito dati.
At dahil abala na sa pagluluto si Callen, pinagkasya na muna ni Noah ang sarili sa panonood dito habang nakaupo pa rin sa kitchen counter. Kahit gustuhin niya mang tumulong ay hindi rin naman siya papayagan nito.
BINABASA MO ANG
NOT A RIVALRY
RomanceEveryone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same place, everyone is always on guard. The rivalry between their Gang made them become a rival in ever...