Chapter 39

1.8K 58 0
                                    



Chapter 39







HINDI inaalis ni Noah ang tingin kay Gab pagdating nito sa classroom, nakasunod lang ang mata niya hanggang sa makarating ito sa pwesto niya at naupo sa katabing upuan.

Sa kalagitnaan ng klase kanina ay nag excused ito dahil may gaganaping meeting ang Student Council Officer at kasama sa meeting ang lahat ng President ng buong class. Curious lang si Noah kung para saan ang meeting lalo na't mag me-meeting ang mga ito nang wala si Callen.

Gusto niya sanang tanungin si Gab pero nasa harapan pa nila ang prof, patapos na ang klase nagbibigay nalang ito ng mga important announce para sa finals nila nang dumating si Gab. Tatanungin nalang niya ang dalaga kapag tapos na ang class nila, vacant naman sila after nito.

Pagkatapos nga ng klase nila hindi na kailangan pang tanungin ni Noah si Gab, inaya siya ng dalaga sa cafeteria at sasabihin daw nito kung para saan ang meeting kanina just in case na interested siya. Kaya heto silang dalawa, magkasabay na naglalakad patungong cafeteria. Hindi pa naman lunch time kaya kaunti pa ang mga estudyateng nasa labas, mamaya magsisilabasan ang mga ito.

"Dude, your man is now ready to step down on his position." Panimula ni Gab nang makaupo na sila at may kanya kanya na silang pagkain.

Napatigil si Noah sa balak niya sanang pagsubo ng pagkain. "What?" Kunot noong tanong niya.

Bumuntong hininga sa Gab. "The meeting awhile ago was about the coming election for the new Student Council Officers." Pag imporma nito sa paksa ng meeting kanina. Nakuha naman nito ang buong atensyon ni Noah. "I actually didn't expect that, I thought Kyng will hold that position till he graduated." Pahabol pa ng dalaga.

Sinubukang alalahanin ni Noah kung may nasabi ba sa kanya si Callen patungkol dito pero wala siyang maalala. "He didn't mention anything to me about that matter." Tugon niya at nagkibit balikat. "I guess that would be nice, his work will be lessen. He's too hard working, he doesn't even have time for himself and it's making me worry. Even when we're at home, he's still working and if not all he did was take care of me." Pagkukwento niya sa dalaga. Noah is comfortable talking to Gab and when he talks to her, he holds nothing and tell her everything what he felt.

Napangiti si Gab, halatang-halata nga sa mukha ni Noah na nag-aalala ito sa kasintahan. Sino ba namang hindi? Kahit siya kapag nakikitang natatambakan ng trabaho ang girlfriend niya halos hindi siya mapakali, ayaw na ayaw pa naman niyang nahihirapan ito.

"Hindi sa nagmamayabang, hardworking din ako na minsan nakakalimutan ko ang sarili ko. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng girlfriend ko para itigil ko ang mga ginagawa ko?" Mabilis naman napailing si Noah, handa siyang makinig dahil curious din siya. "Pinapagalitan ako at minsan hindi ako pinapansin and it worked. Wala akong magawa kundi itigil lahat ng ginagawa ko at magpahinga. Being ignore by her is terrifying, it's like a nightmare that I don't wanna experience again. Why don't you try to do the same?" Suggest pa nito.

Ilang sandaling napaisip si Noah, kinakastigo niya ang sarili kung kaya ba niyang gawin ang sinasabi ni Gab. "Gab." Nakangiwing tawag niya sa dalaga makaraan ang ilang sandali, may napagtanto lang siya. "I can't— I can't stand ignoring him, scolding him is not in the option as well." He confessed honestly.

Naiiling na napatawa si Gab, nakakaaliw talagang kausap si Noah. "I'm already expecting that." Natatawang aniya.

"In my mind, I tried to put myself into Callen's shoe if I happen to ignore him, I'm curious how would he feel. Then what if it's the other way around— what if Callen is the one ignoring me, what would I feel?" Kung hindi sanay ang mga kaibigan niya, si Gab sanay na sa kadaldalan niya. "And you were right Gab, it's really terrifying." He concluded.

NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon