Chapter 47

2.1K 65 2
                                    


Chapter 47





"YOU two seems to be having fun."

Sabay na napatingin si Noah at Gab sa nagsalita na walang iba kundi si Callen. Hindi lang sila ang nakatingin sa binata, halos lahat ng taong nasa cafeteria ay nasa direksyon nila nakatingin.

"What fun? Gab is bullying me!" Sumbong niya sa kasintahan kaya nakatanggap na naman siya ulit ng pitik sa noo galing kay Gab.

"Imbento ka, sino ba ang nauna? Akala mo hindi ko alam kung para saan iyong ginagawa mong pamimilit sa akin na tumakbong President."

Noah shifted his attention to Callen. "I heard nothing, can you hear Gab?" Tanong pa niya sa binata.

Napailing nalang si Callen sa inakto niya at nilagay ang pagkain sa harapan niya. "Eat." Callen said and after settling all the foods on the table, he sat beside Noah.

Inirapan niya ang kasintahan. "Eat." Panggagaya pa niya dito. "What am I, a dog?"

Muntik ng humagalpak sa tawa si Gab pagkarinig ng sinabi niya kaya tinignan niya ito nang nakasimangot. "Luh, Wala akong sinabi, ikaw ang may sabi."  Anang dalaga at nagpipigil pa ng tawa.

Pinilit niyang burahin ang emosyon sa mukha niya at tahimik na kumain, hindi na niya pinansin ang dalawa.

Nagkatinginan sina Callen at Gab. "Suyuin mo yan." Ani Gab at inginuso pa ang tahimik pa ring kumakaing si Noah.

Lihim na napangiti si Callen, sanay na sanay na siya sa kasintahan. Hindi niya alam kung napapansin iyon ng iba pero siya pansin na pansin niya talaga ang pagkakatulad ni Noah at Naih. Katulad ni Naih ay madali lang din itong maasar, kahit sa maliit na bagay ay naiinis ito, madali rin magtampo. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa ay marunong lang mag control si Noah at palagi itong walang emosyon whereas si Naih ay kung naaasar ito talagang pinapakita nito.

"Baby." Tawag niya sa kasintahan pero hindi siya nito pinansin at tuloy lang sa pagkain.

Malinaw na narinig ni Noah ang pagtawag sa kanya ni Callen pero hindi niya ito binigyang pansin.

Sa totoo lang hindi naman siya naaasar o nagtatampo, trip niya lang talagang hindi pansinin ang dalawa lalo na ang kasintahan. Curious lang kasi siya kung ano ang gagawin ni Callen gayong nasa public sila. Naisip na niya ito kanina pa habang papunta siya sa cafeteria kaya kahit hindi siya asarin, hindi niya pa rin papansinin ang mga ito

Pero nakalimutan niya yatang palagi siyang talo sa ganito, kung hindi siya kayang tiisin ni Callen mas lalong hindi niya ito matiis na hindi pansinin. Wala sa sariling napainum siya ng tubig, ano bang pinaggagawa niya sa buhay? Habang lumilipas ang araw mas nagiging childish na siya.

At dahil umiinom siya ng tubig, ang sunod na nangyari ay pakiramdam niya ay nawala siya sa character niya. Bigla nalang siyang nasamid sa tubig na iniinom dahil sa kagagawan ni Callen na bigla nalang hinawakan ang hita niya at pinisil pa.

Buti nalang talaga ay hindi siya nagkalat, nakakahiya kung sakaling nangyari iyon.

Ubo siya nang ubo habang si Callen ay kinuha sa kamay niya ang bottled water habang ang isang kamay nito na nakahawak sa hita niya kanina ay masuyong humahaplos na sa likod niya.

"You should be careful, baby." Masuyong turan ni Callen.

Nang makahuma ay hinarap niya ang kasintahan kapagkuwan ay sinamaan niya ng tingin at mahinang sinuntok sa balikat nito. "Shut up, it's your fault!" Mahinang singhal niya dito.

Sasagot na sana si Callen pero naunang magsalita si Gab. "Utang na loob, kung maglalandian kayong dalawa huwag sa harapan ko. Nagmumukha akong third wheel dito."

NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon