Chapter 42
KUNOT noong tinignan ni Noah sina Edward nang ito ang mabungaran niya pagkababa palang ng sasakyan. Limang myembro ng Black Panther ang ngayon ay nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya. Nang masigurong naka lock na ang kotse, nagsimula na siyang maglakad at sumalubong naman sa kanya ang grupo ni Edward.
Tinaasan niya ng kilay si Edward nang makatayo na ito sa harapan niya at napapasilip pa ito sa likuran niya, partikular na sa kotseng gamit niya na animo'y may inaasahan pa itong lalabas doon.
"What?" Tanging naibungad niya sa mga ito.
"Have you seen the University Forum?" Tanong ni Edward na sinagot niya lang ng iling, wala na siyang oras mag online kagabi dahil natuon lahat ng atensyon niya kay Callen. Pero may hinala na siya kung patungkol saan iyon, after all ang University Forum ay lungga ng mga tsismoso at tsismosa. "As expected. Si Kyng?" Tanong pa nito na sinulyapan na naman ang kotse.
"Home." Maikling tugon niya.
"Hindi ba siya papasok ngayon?" Edward again while his companion remain silent. "We thought he's here when we saw his car entered, we thought it's him."
"Nah, he's resting. I borrowed his car." He informed.
Nanlalaki ang matang napatingin sa kanya ang mga kaharap. Masyado bang nakakagulat ang sinabi niya? Of course it is dahil isang himala na nagpapahinga ang isang workaholic na katulad ng isang Kyng Callen Vitale. Kahit nga siya hindi makapaniwala nang sabihin nito na hindi ito magtatrabaho ngayon at mananatili lang ito sa condo para magpahinga. Kaya pati siya nag-alangan kung papasok ba siya o hindi dahil maiiwan ito mag-isa, gusto niyang samahan ang kasintahan. Pero siniguro naman ni Callen sa kanya na magiging maayos lang ito mag-isa at ito pa ang nagpumilit sa kanya na pumasok sa school.
At dahil wala naman gagamit sa kotse ni Callen sa kadahilanang hindi nga ito magtatrabaho ngayon, ipinagamit nalang ito sa kanya ng binata. Hindi niya hiniram gaya nang sinabi niya kay Edward, si Callen mismo ang nagpagamit sa kanya. Sinabi pa nga ng kasintahan na sa kanya rin daw ito dahil kung ano raw ang meron ito ay sa kanya na rin.
"For real?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Ezekiel. "As in the so-called Kyng Callen Vitale is really resting at home?"
"Yeah." Walang ganang sagot niya.
"Anong pinakain mo?" Nahihiwagaang tanong ulit ni Ezekiel.
Nagkibit balikat si Noah. "I don't cook. He cook, I only eat." Aniya kapagkuwan walang emosyong tinignan ang mga ito. "Why were you here anyway, don't you have classes?" He asked coldly.
Sa halip na sagutin siya, ibinigay ni Edward sa kanya ang cellphone nito. Pagkakuha sa cellphone tinignan niya kung tungkol saan ang ipapakita nito at hindi nga nagkamali ang hinala niya nang makita ang kaganapan sa University Forum.
Napabuntong hininga siya at ibinalik ang cellphone ni Edward. "Just tell them to stop spreading false information."
"As if naman maniniwala sila, I actually posted saying 'Please, stop spreading false information,' first thing in the morning. Pero anong nangyari? Pagdating ko dito pinagtitinginan pa rin ako ng mga nadadaanan ko, daig ko pa ang may ginawang krimen." Reklamo ni Edward. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba, alam ko naman ang totoo at wala akong ginagawang masama. Ang inaalala ko lang baka makita ni Kyng at kung ano pa ang isipin ng isang iyon. Bro, baka mailibing ako ng buhay." Pahabol pa niya na may kasama pang biro sa huling sinabi, though hindi siya sigurado kung biro ba talaga iyon.
"My Callen is not that stupid to point of doing that." Noah responded and even cross his arms against his chest, he look and feel unbothered. Why would he be bothered if there's nothing to be bothered at all.
BINABASA MO ANG
NOT A RIVALRY
RomanceEveryone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same place, everyone is always on guard. The rivalry between their Gang made them become a rival in ever...