Chapter 41

2.1K 67 3
                                    


Chapter 41





HINDI maalis-alis ni Ezekiel ang tingin ngayon sa dalawang lalaking nasa harapan niya, kanina pa siya nakatingin sa mga ito. May mga katanungan siya pero hindi naman niya magawang magsalita.

Balik na sa normal ang lahat, gising na rin si Callen na nakatulog ng dalawang oras kanina, at habang natutulog ito ay hindi naman umalis si Noah sa tabi nito.

Napatingin siya kay Callen, wala naman nagbago sa paningin niya dito, ito pa rin ang leader na kinatatakutan nila. Kung wala nga lang ang mga sugat at benda sa kamay nito na palatandaan sa naganap kanina, iisipin ni Ezekiel na wala talagang nangyari dito.

Finding out about Callen's condition is really shocking and Ezekiel thought he couldn't be shocked more, oh how wrong he is. What he discovered next is beyond shocking that he almost fell on his knees.

And here he is, in the presence of two scary and intimidating men he ever knew. Wala na sila sa opisina ni Callen, umalis sila doon ilang sandali matapos magising ang binata. Nandito sila ngayon sa condo ni Callen, hindi sana sila kasamang tatlo pero mapilit sila kaya walang nagawa ang dalawa.

Pero parang pinagsisihan na yata nila ang pagsama.

The three of them look at each other and even without words, they could already understand each other. Sabay pa silang tatlong napatingin sa dalawa na naglalandian sa harapan nila. Gusto sana nilang sabihan ang dalawa na get a room pero naalala nilang condo pala ito ni Callen, wala sila sa lugar.

Yes, Callen and Noah is flirting in front of them, Edward and Ezra wasn't shocked at all but Ezekiel is taking it to the highest level. Just like what Edward's first reaction, if he really has a heart condition he might have a heart attack.

Callen is sitting on the single couch while Noah on the other hand is sitting on Callen's lap.

Tinapik pa siya ni Edward sa balikat. "Masanay kana bro." Sabi pa nito.

"Hon, you sure you okay?" Ezekiel heard it clearly, the way Noah softly asked Callen.

Kung nakatayo lang siya ngayon ay baka natumba na siya. Kanina nga nang malaman niyang si Callen pala ang boyfriend ni Noah ay muntik na siyang matumba, buti nalang ay mabilis siyang naagapan ni Edward na nagpipigil pa ng tawa.

Hindi siya sanay na ganito ang dalawa, lalo si Noah. Inaamin niyang natatakot siya kay Noah, mas takot pa nga siya dito kesa kay Callen sa totoo lang. Nakatatak na sa utak niya ang walang emosyong mukha ni Noah, ang nakaka intimidang presensya nito at kung anu-ano pa dahilan para magresulta sa pagiging takot niya dito. Karibal pa nga ang turing niya sa binata dahil kay Brianna kaya sobrang nakahinga talaga siya nang maluwag nang mabalitaang may boyfriend na ito.

Takot na siya kay Noah noon pa pero mas lalo pa yata siyang natakot dito ngayon. Ngayon araw lang nasaksihan niya ang iba pang side ni Noah, katulad nalang ngayon. Hindi niya alam kung kikilabutan ba siya dito o ano, Basta ang alam niya nakakatakot talaga si Noah.

Kapag nakatingin ito kay Callen ang lambot-lambot ng ekspresyon nito, nakangiti rin ito. Pero nang bumaling ito sa kanila, mabilis pa sa alas kwatrong nawala ang emosyon nito sa mukha. At hindi rin pahuhuli itong si Callen, ngayon lang napatunayan ni Ezekiel na totoo pala ang kasabihang bird with the same feather flocks together.

"I'm really okay, baby. I'm sorry I made you worry." Tugon naman ni Callen.

Habang silang tatlo ay hindi na maipinta ang mga mukha, lalo na si Ezra na nakangiwing nakatingin sa dalawa.

Tumikhim si Ezra para kunin ang atensyon ng dalawa na animo'y may sariling mundo at sila namang tatlo ay parang hangin lang. "Respeto naman sa mga single, maawa naman kayo sa amin."

NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon