Chapter 30

2.1K 63 2
                                    


Chapter 30





KINABUKASAN kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagmulat din ng mga mata ni Noah, bahagya pa siyang nasilaw kaya panandalian siyang pumikit. Nang makapag adjust tuluyan na niyang minulat ang mga mata at sa isang tingin palang sa paligid alam na niyang nasa ospital siya.

Noah's whole body is aching, he felt like someone beat him nonstop, his head is aching as well. He tried to move but he gritted his teeth and a groan escape his mouth when the pain become more palpable.

And the moment he made a sound, he heard a series of footsteps coming closer to him. He blink a few times when the owners of the footsteps came into his line of sight, one by one he look at them trying to recognize them and as well as to look for someone's presence that he wanted to see the most.

Noah saw his Mom and Dad, his brother and sisters, he's glad to see them but none of them is the person he wanted to see the most.

He want to see Callen! All he want is Callen! Why is he not here?!

The moment he saw his brother Noah knew Callen's already here, alam na alam niya iyon dahil hindi iniiwan ng Kuya niya mag-isa si Callen kapag nasa ibang bansa ito kung hindi nito kasama ang mga magulang at kapatid nito.

"Nak, how do feel? My masakit ba sayo?" Masuyong tanong ng Mommy niya.

Tinignan niya lang ito pero hindi siya sumagot, wala siyang ganang magsalita at gusto nalang niyang pumikit ulit. Nagbabakasakali lang siya na baka pagmulat niya ay nandito na si Callen. This is him when he's sick, not only he become childish he also become very clingy to a certain person. Noah knows who's that person because the moment he woke up he's already looking for him.

Panandaliang sinuri muna siya ng Mommy niya, tango at iling lang ang sinasagot niya dito kapag nagtatanong ito dahil wala talaga siyang ganang magsalita.

"Kuya, okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Naia at katulad nang kanina ay tango lang din ang isinagot niya sa kapatid.

"Anak sabihin mo lang kung may masakit sayo, kung may kailangan ka. May gusto ka bang kainin?" This time ang Dad niya naman ang nagsalita na sinagot niya lang din ng iling.

Imposible namang hindi siya dalawin ni Callen, hindi nga lang siya makakain ng lunch sa isang araw alalang-alala na ito, ano pa kaya ngayon na nandito siya sa ospital? Baka siguro umuwi nalang muna ito para magpalit ng damit o kumuha ng gamit tapos babalik din ito mamaya. Maaga pa naman nang masulyapan niya kanina ang wall clock pagkagising niya. Hihintayin nalang niya ito, mamaya baka nandito na iyon.

Pero lumipas nalang ang oras walang Callen ang nagparamdam, ni anino nito ay wala siyang nakita. Dumalaw na ang mga kaibigan niyang miyembro ng Nine-Tailed, si Brianna kasama pa nito ang bunsong babaeng kapatid ni Callen at maging ang mga magulang ni Callen ay bumisita na rin, ang kasintahan nalang ang wala na pinaka hinintay niya.

Iniisip nalang ni Noah na baka pinatapos pa nitong dumalaw ang lahat at kapag wala na siyang bisita saka na ito magpapakita. Pero gumabi nalang ay wala pa rin siyang Callen na nakita.

Kahit ang Dad niya at Dad ni Callen, maging ang Kuya niya na nakakaalam sa relasyon nila ni Callen ay wala man lang nabanggit ang mga ito sa kanya patungkol kay Callen. Maging si Edward na bumisita kanina ay wala rin itong nabanggit.

Ang resulta ay wala na siyang ganang kumain, simula pagkagising maliban sa tubig na ininum niya kanina ay wala pa siyang kinakain. Ni magsalita ay ayaw na niya kaya tango at iling nalang ang ginagawa niya.

Lahat ng naroon ay napapansin na ang kinikilos ni Noah lalo na sina Ashton at Samantha, nag-aalala na sila sa mga kinikilos ng kanilang anak. Base sa resulta ng mga test ni Noah, wala naman itong seryosong komplikasyon sa katawan gayon din sa head injury nito. Hindi naman ito nagka amnesia dahil kilala naman sila nitong lahat pero nag-aalala na talaga si Samantha sa anak. Ayaw nitong kumain at kahit magsalita ay hindi rin nito magawa, palagi nalang itong tulalang nakatitig sa kisame o hindi kaya ay tatagilid ito ng higa para iwasan sila.

NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon