Chapter 13
PAGKABUKAS palang ni Noah ng pinto ay bumungad na sa kanya ang dalawang kapatid, si Naia na nakaupo sa couch at si Naih na nakatayo habang naka-krus ang braso sa dibdib nito at seryosong nakatingin sa direksyon niya na animo'y siya talaga ang hinihintay nito. Dinaig pa ni Naih ang isang Nanay na hinihintay ang anak na hindi nakauwi kagabi at ngayon lang nagpakita, parang handa na itong manermon.
Tinaasan lang siya nito ng kilay nang walang emosyon niya itong tignan. Habang si Naia naman ay tipid lang siyang nginitian.
"At saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Seryosong tanong nito, alam niyang hindi siya titigilan ni Naih hangga't hindi niya ito sinasagot. "Sagutin mo ako, Noah Sean!"
Noah glared at Naih when she just called him by only his name, no Kuya. That glared means nothing to her, instead of giving up Naih didn't back off and matches Noah's glare. Takot siya sa Kuya niya pero hindi niya papalampasin ang ginawa nito, kaya sa halip na matakot ay naiinis siya dito to the point na gusto niya itong sapakin.
Umalis ito kahapon at hindi man lang sinabi sa kanila kung saang lupalop ito pupunta pero hinayaan nalang nila. Pero noong kinagabihan at wala pa rin silang naririnig mula dito hanggang sa lumalim na ang gabi doon na sila nagsimulang mag-alala, kahit ang mga kaibigan nila ay wala rin alam kung saan ito nagpunta. Nang tawagan nila ito ay nagri-ring lang ang cellphone pero hindi nito sinasagot.
Ano bang malay nila na baka natambangan na ito ng mga gangster sa daan at nakikipaglaban na ito.
"You made us worry last night, kung hindi ka naman pala uuwi nagsabi ka sana para hindi na kami nag-alala. May cellphone ka naman, uso tumawag o mag text man lang, tawag kami nang tawag sayo pero hindi mo man lang sinasagot! Kung kailan pauwi ka na saka mo lang naisipang magparamdam. Sa susunod na maulit pa ito, sinasabi ko sayo Noah, wala kang matinong makakain dito sa bahay at ikaw ang gagawa lahat ng gawaing bahay sa loob ng isang buwan." Sermon ng magaling niyang kapatid na may kasama pang pananakot.
Naih last sentence caught Noah's attention, he knew how lazy he is and he's sure as hell he won't last long with those. Marunong siya sa lahat ng gawaing bahay, nakakapagluto naman siya kahit papaano, ang problema lang talaga ay ang katamaran niya.
Remembering the moment when he was still in Callen's condo, Noah's lips form into a small smile without him knowing. He remembers how Callen didn't let him do anything other than feed him, let him rest and made him comfortable. Napakagat siya sa pang-ibabang labi para pigilang mas lalong lumawak ang ngiti niya, parang gusto nalang yata niyang bumalik sa condo ni Callen.
Natigilang si Naih kapagkuwan ay napatingin kay Naia na sakto namang napatingin sa kanya kapagkuwan ay bumalik ang tingin nila kay Noah na may mumunting ngiti sa labi. They're too stunned to even speak seeing their brother who looks like he's in a good mood.
Kailangan kong malaman kung anong nakain niya para ganyan siya ka good mood, ipapalamon ko sa kanya araw-araw! Ani Naih sa isip niya. Ni parang wala nga lang dito ang pagkahaba-habang sermon niya, pasok sa isang tainga labas sa kabila.
BINABASA MO ANG
NOT A RIVALRY
RomanceEveryone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same place, everyone is always on guard. The rivalry between their Gang made them become a rival in ever...