Chapter 32

2.2K 73 13
                                    


Chapter 32






TUNAY ngang may tainga ang lupa at may pakpak ang balita. Kung tahimik sa kuwarto ni Noah sa ospital, sa school naman ay inulan nang samu't saring reaksyon sa mga estudyate ang kumakalat na balitang mainit-init pa. Ang balitang patungkol sa kasintahan ni Noah na sa halip na babae ay lalaki raw ang kasintahan nito. Sa madaling salita ay boyfriend ang meron si Noah.

Umagang-umaga iyon na ang bumungad kay Naih at Naia pagkarating nila sa school. Hindi alam ni Naih kung maiinis, magagalit ba siya o ano man basta hinayaan niya nalang ang mga ito at ganoon din si Naia.

Hindi nila alam kung saan galing ang balitang iyon o kung sino ang nagpakalat. Marahil ay may nakarinig sa kanila habang nag-uusap sila or whatsoever, bahala na. In the first place hindi naman secret ang pagkakaroon ng boyfriend ang Kuya niya. Knowing Noah and his shamelessness, hindi magtatagal ay malalaman at malalaman talaga ng lahat ang pagkakaroon nito ng boyfriend.

Mabuti nalang at wala siyang naririnig na mga negative comments kung hindi ay baka makakatikim talaga sila ng galit ng isang Naih Serin Montreal.

Everyone was shocked but the good thing about them is that they're all open to this kind of thing.

Kung meron mang sobrang excited at napakalakas ng tili pagkarinig sa balita, iyon ay ang mga kapwa BL fans ni Naih kaya kahit siya ay napapatawa nalang sa mga ito.

May mga naglalakas loob na lumapit sa kanya at nagtatanong kung totoo nga ba ang kumakalat na balita at siya namang si honest— direktang sinasagot niya ang mga ito nang totoo.

May pahabol pa siyang sinasabi tulad nang...

"Kung inggit kayo maghanap kayo ng sa inyo."

"Love life niyo nga hindi pinapakialaman ni Kuya, sino kayo para pakialaman ang sa kanya?"

"Mind your own business guys."

At kung anu-ano pang mga pinagsasabi niya na kalahating biro at kalahating totoo.

Kahit ang Black Panther maliban kay Edward at Brianna ay nagulat din, hindi nila ito inaasahan dahil kung titignan bukod Kay Callen ay mas lalaki pang kumilos si Noah kumapara sa kanilang miyembro ng Black Panther. Kahit sa Nine-Tailed ay ito rin ang pinaka lalaki sa lahat.

Oh well, having a boyfriend doesn't make Noah less as a man. Its just that, no one can control other people's mind and opinions. But if they were to ask, Noah still the scary cold Noah they used to know.

"You seem to be not shocked at all." Puna ni Ezekiel kay Edward at Brianna.

Edward shrugged his shoulder. "Because I already knew beforehand?" He answered questioningly.

"Same here." Brianna said. "Well, I just knew it recently. Naih actually told me a few days ago." She added.

Napatingin kay Brianna ang lahat, alam nilang seryoso ito dahil straight English na naman kung mag salita ito. Ilang araw na itong palaging seryoso at sa totoo lang ay nami-miss na nila ang ka weirdo-han nito.

"Kumusta na pala siya?" Tanong ni Angel na ang tinutukoy ay si Noah.

"He's awake and physically healing, I just don't know his mental and emotional state but looking at him, seems like he's not in a good state." Ani Brianna na nagkibit balikat pa.

"He'll be fine." Edward said and he even sounded like he's really sure of it.

Well, truthfully Noah is already fine now especially Callen is already with him, of course everyone are not yet aware of that except Callen and Noah's parents.



NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon