Chapter 44
"GAGO! Anyare sa inyo? Umayos nga kayo, para kayong mga ewan." Puna ni Naih sa mga kasama. Hindi niya maipaliwag kung ano ang mga hitsura ng mga ito, parang mga nawalan ng malay pero nakadilat at nakaupo.
Naiiling na napainom siya ng juice nang wala sa oras ng dahil sa mga kasama niya. Siya lang yata at si Naia ang nasa maayos na kalagayan, ang boyfriend niya ay fifty-fifty pa. Hindi ba naman siya paniwalaan, eh never pa nga siya nag joke about sa Kuya niya at kay Callen.
Hindi ba siya nag joke? Iyon ang hindi niya matandaan.
Wala na sila sa arcade at maging ang mga Black Panther ay hindi na nila mahagilap. Si Noah naman ay hindi na rin nila kasama dahil sumama na ito kay Callen umuwi, kung uuwi na nga ba ang mga ito.
Nasa isang restaurant na sila at itong mga kasama niya, siya ang nahihiya sa mga inaakto ng mga ito.
Mabuti nalang at mukhang nakabawi na sina Nathan at Gavin, maayos na rin si Elijah.
The three are looking at her like she'd done some sort of a crime. "Tigil tigilan niyo ako sa ganyang tingin, wala akong ginawa sa inyo."
Gavin snorted and keep looking at Naih. "Pinanindigan mo talaga na hindi sasabihin kung sino ang boyfriend ni Noah." May pagka sarkastikong turan nito. "Ngayon alam ko na kung bakit nahimatay ka nang makikila mo siya. Are you satisfied now seeing our reaction?"
Sumama naman ang timpla ni Naih nang ipaalala na naman nito ang pagkahimatay niya. "Hindi ko na kasalanang hindi niyo alam, sinabi ko na nga kay Elijah pero ang akala niya nagbibiro lang ako. Akala ko nga sinabi na niya sa inyo." Paliwanag niya kahit hindi naman kailangan. "And yeah, your reaction are really satisfying. Pero umayos na kayo, ako ang nahihiya sa inaakto niyo."
"Babe, how could I believe you when you told me that while you sounded like you're just joking, not serious at all." Depensa naman ng kasintahan.
"Ay ganoon ba? Sorry naman." Aniya na bahagya pang natawa. Mukhang nahahawa na yata siya sa pagiging makakalimutin ni Noah. Nakalimutan niyang palabiro niya palang sinabi iyon kay Elijah kaya hindi siya magawang seryosohin ng binata.
Nakuha naman ang atensyon nila ni Kylie nang bigla itong magsalita, mukhang natauhan na rin ito.
"OMG! Teka lang, totoo ba iyon Naih?!" Kylie almost exclaimed, good thing she's aware where they are so she got a hold of herself. Kung nagkataong sila-sila lang magkakaibigan ang magkasama ay baka napasigaw na siya nang malakas.
"Oh gosh! Hindi ako prepared don." This time it was Elisha, she also regain her composure. "So all this time, hindi pala lumubog ang ship ko?" Pahabol pa nito na may kasama pang pagpaypay ng kamay sa tapat ng mukha nito na animo'y naiinitan.
Tumaas naman ang kilay ni Naih at tinignan ang kaibigan. "Anong ship pinagsasabi mo, El?"
Abot tainga ang ngiti ni Elisha. "Ang cool kasi nina Noah at Kyng, para silang mga fictional characters na nababasa ko. So ayon, nagsimula pagiging delulu ko sa kanila, I shipped them secretly. Para silang enemies to lovers, alam mo namang bet na bet ko ang mga ganoong plot." Nangingiting paliwanag pa nito.
Napasinghap naman si Naih, napatakip pa ang kamay niya sa bibig na animo'y nagulat. "Ay shit! Hala, bakit now ko lang naisip yon?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Kainis talaga si Kuya, kung bakit kasi pinaniwala nila tayo na rivals sila." Reklamo pa niya.
Tinignan niya si Naia nang marinig niyang mahina itong tumawa. "Ate, they didn't made us believe, we assumed." Pagtatama nito sa sinabi niya.
Hindi na nagawang sumagot ni Naih sa kapatid nang magsalita si Gabriel na mukhang maayos na rin. "Naia, how can we not assume if that's what they're showing us? To see is to believe like what everyone usually say, and we believed 'cause we witnessed them acted like they're really rival." Rason nito kapagkuwan ay napabuntong hininga. "Langya, bigla ko tuloy nakalimutan ang galit ko sa gagong iyon." Ani pa nito na ang tinutukoy ay ang kaaway nito kanina, si Ethan.
BINABASA MO ANG
NOT A RIVALRY
RomanceEveryone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same place, everyone is always on guard. The rivalry between their Gang made them become a rival in ever...